was successfully added to your cart.

Cart

Konsepto ng Time Value of Money (TVM)

By January 7, 2018 Investments

Ipinapakita ng Time Value of Money (TVM) na mas malaki ang halaga ng pera ngayon kumpara sa hinaharap. All things being equal, sinasabi nito na mas magandang magkaroon ng pera ngayon (present) kaysa sa hinaharap (future).

May dalawang dahilan dito – inflation at earning potential capacity.

Inflation

Ang inflation ay ang natural na pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang piso ngayon ay mas kaunti ang mabibili kumpara sa piso noong isang taon.

Halimbawa, noong panahon ng lola ko, ayon sa kuwento niya, 20 pandesal ang mabibili ng PhP1. Samantala ngayon, ang PhP1 ay makakabili na lamang ng kalahati dahil PhP2 na ngayon ang isang piraso.

Dagdag pa ni lola, malalaki at siksik ang pandesal noon. Ngayon, maliliit na ang mga ito at puro hangin pa.

Earning potential capacity

Kung makukuha mo ang pera ngayon, may oportunidad kang gamitin ito para kumita. Kaya madaragdagan ang iyong pera kung gagawin ito.

Ang tawag dito ay earning potential capacity. Hindi mo magagamit ang pera para palaguin ito kung sa hinaharap mo pa ito matatanggap.

Kapag binigyan ka ng PhP1,000,000 ngayon at ito ay inilagay mo sa isang time deposit na kumikita ng 5% interest kada taon, sa susunod na taon ito ay PhP1,050,000 na. Kung ang PhP1,000,000 ay ibinigay sa iyo sa susunod na taon pa, nawala ang opotunidad mong kumita.

Kaya mas maigi na magkaroon ng pera ngayon na kaysa sa hinaharap dahil sa earning potential capacity.

Saan ginagamit ang TVM?

Ginagamit ang TVM sa pagkukumpara at paga-analyze ng mga investments. Napakahalaga nito para malaman kung ang isang investment ay totoo bang kikita o sulit.

Maari din itong gamitin kapag nagde-desisyong bumili ng mga bagay o ari-arian. Mapapakita ng TVM ang iba’t ibang scenario ng pagtaas ng bilihin at paghina ng pera para maitakda kung kailan pinakamabuting bumili.

vincerapisura.com


5 Comments

  • eduardo says:

    hello vince, I have investment in mutual fund right now, it’s not much, but I want to add more to my monthly contribution. and my questiion is when do you think should I increase my contribution? Im on my 2nd year and I want to continue for another 8 years til my retirement. thank you for your quick response to my inquiry.

    regards.

  • ang tunay na meaning ng inflation is expansion of currency supply.,ang pagtass ang presyo ng mga bilihin ay epekto ng inflation…correction lang

  • Ellen Joy says:

    Maraming salamat Vince sa mga articles mo. Malaking tulong sa mga tulad naming mga OFW.

  • Ellen Joy says:

    Hi Vince, kanino pwede komunsulta patungkol sa pag-analyze ng investment kung totoo bang kikita o sulit.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: