was successfully added to your cart.

Cart

Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?

Due to insistent public demand, I am again going to illustrate why term is superior to VUL.

Grabe ang mga bashers online, ha? Nakaka-hurt. Puwede pong kaunting hinahon at respeto kapag sumasagot sa post ko. Ipaliwanag niyo po ang side niyo na hindi kinakailangang mag ad hominem, mambastos at mag-mura.

Hindi ko po ugali ang makipag-away, kaya eto, explain na lang po ako ulit.

Two insurance policies: VUL and Term

Ang average age po ng aking mga followers ay 35 years old. Kaya minarapat kong kumuha sa mga kaibigan kong insurance agents ng quote for term insurance at VUL that would have a face amount of PhP1 million.

Here are the details:

Premium

Sa VUL, part of the cash outlay that you give to the insurance company is used to pay for premium, fees, charges and fund allocation for your investment which is typically called the fund value. In our example, this is PhP48,000 that will be paid in seven years.

Para naman sa term insurance, ang premium ay nag-iiba dahil ito ay renewed every year. At ito po ay tumataas habang tumatanda tayo. Makikita sa table ang ibabayad nating premium sa term insurance in the next 30 years.

Net present value

Ang net present value ay isang time value of money strategy kung saan maihahambing natin ang halaga ng pera sa isang nakatakdang panahon. Halimbawa, ang piso ngayon ay di hamak na mas mahina kaysa sa halaga nito ten years ago.

Ito ang gagamitin nating paraan para maikumpara natin ang halaga ng ibinayad natin sa VUL sa loob ng pitong taon at sa term insurance naman sa loob ng 30 taon. Ang inflation rate na gagamitin natin ay 5% per annum.

Ang PhP48,000 na ibinabayad natin sa VUL kada taon sa loob ng pitong taon ay may net present value na PhP277,745.92. Samantalang ang ibinayad natin na premium sa term insurance sa loob ng 30 years ay nagkakahalaga lamang ng PhP120,481.87.

Sa ganitong analysis pa lang, makikita na natin na mas malaki ang inilalabas nating pera sa VUL kumpara sa term insurance.

BTID

Ang isang bahagi ay pambili natin ng term insurance. At ang isa pang bahagi ay gagamitin naman nating fund allocation na pang-invest. Ipinapakita sa table sa ibaba ang puwedeng fund allocation na i-invest sa BTID strategy natin.

Ang ibig sabihin po nito, at age 35, magbabayad po tayo ng PhP3,550 na premium para sa term life insurance natin. Sa budget natin na PhP48,000, may matitira pong PhP44,450 na pang-invest.

BTID versus VUL Fund Value

I think mag-aagree kayo sa akin na kung mas malaki ang inilabas mong pera, dapat mas malaki din ang balik sa iyo, tama? Ang kaso sa VUL, hindi ganito ang kuwento.

Ipagpalagay natin na ang rate of return sa fund value ng VUL at BTID natin ay parehong 10%. Realistic naman na pareho kasi ang mga funds kung saan inilalagay ng insurance companies ang investment nito sa VUL ay mga karaniwang investment funds din. Depende na lang ito sa choice at risk appetite ng investor.

Lumalabas na mas malaki ang investment sa BTID. Ang dahilan ay hindi ang rate of return dahil pareho lang naman ang ginamit nating rate – 10% per annum.

Mas malaki ang kinita sa BTID strategy dahil maaga tayong nag-invest nang mas malaki kumpara sa VUL. In investing, time is gold, literally. Tutukan natin, paano ito nangyari.

VUL Fund Value

Kung mapapansin niyo, ang fund allocation at year 0 (age 35) or at the onset sa VUL ay PhP 0. Ibig sabihin sa ibinayad nating PhP48,000, walang natira para sa fund allocation for investments. Kaya kahit na may 10% return pa diyan, wala pa rin tayong kinita.

Zero multiplied by anything is still zero, kahit tumambling ka pa.

Sa second year (age 36), nagbayad na naman tayo ng PHP48,000. Ang in-allocate dito ay PhP4,800 para sa investment o 10% lang ng ating ibinayad.

Kung mapapansin, PhP2,551 lang ang fund value. Dahil hindi pa sapat ang kinikita ng investment para bayaran ang inurance policy at iba’t-iba pang charges, nabawasan pa ang fund allocated natin for the second year.

Sa third year naman, ang fund allocated ay PhP21,600 o 45% ng PhP48,000 na ibinayad natin sa insurance company. Ang fund value naman ay nagkakahalaga na ng PhP23,722.

BTID Fund Value

Kung ikukumpara, sa BTID strategy at the onset, we are not starting with a PhP0 fund value but a very healthy PhP44,450. Saan nanggaling ito? Kung gagamitin natin ang same budget na PhP48,000, bibili tayo ng pure term insurance at PhP3,550 only at ii-invest naman natin ang difference.

Sa second year, ang fund value na natin sa BTID ay PhP93,215. Kumita ang PhP44,450 natin ng 10% (that’s PhP4,445 compared to zero sa VUL). Tapos idagdag pa natin dito ang additional natin na investment na PhP44,320, we get PhP93, 215.

Sa VUL at this stage, 2,551 pa lang ang fund value. Ang layo ng diperensiya sa fund value ng BTID strategy natin.

See, kahit na tumaas nang bahagya ang premium sa second year, mas sulit pa din kasi nai-invest natin nang maayos ang ating pera. Tayo ang nakinabang. At kahit na ituloy-tuloy pa natin ang pagtaas ng premium in the next 30 years, mas sulit pa din ang kakalabasan sa term insurance.

Sa third year, PhP146,707 na tayo sa BTID samantalang pinapakain na natin ng alikabok ang fund value ng VUL at PhP23,722 only.

To see the progression of the fund value performance of VUL and BTID, tingnan niyo po ang illustration sa ibaba.

Mas sulit ang BTID di ba?

Kaya talagang dapat pinaghihiwalay ang insurance at ang investment kung gusto mong makasulit. Ngayon, kung gusto mo namang mamigay ng pera, and you’re being generous kasi kamag-anak mo o kaibigan mo ang binilhan mo ng VUL mo. That’s your choice.

vincerapisura.com


29 Comments

  • Koy says:

    Hi. You will only be insured as long as may laman pa yung fund value mo. After paying for 10 years, insured ka pa din kasi may fund ka pa. Pero every year kinukuhanan pa din yan ng premiums ang fund mo. So, it’s not entirely correct na you will be insured for life. If your cash fund is sufficient enough for your premiums, then you’ll still be insured.

  • Marco says:

    Hi Sir. This is very informative. However, I got my insurance thru VUL, hindi sa BTID. Why? Because I was only 23 years old back when I decided to get one. Yearly payable amount kl po is 27500. My face value is 1M din with critical illness and accident benefit. Also, I will only be paying for only 10 years and I will be insured for life already. Which is already a big savings. 275’000 compared saHaving a VUL po is advantageous sa early kumuha ng insurance since you will insured for life at the end of your term.

    I understand that you based your quotes here for a 35 yrs old. However, in my opinion, kahit na lower yung yearly paymentssa BTID, useless din kung di ka marunong mag invest sa pera mo. Not everyone is financially literate to earn 10% per annum. Disiplina pa rin kailangan.

    Again, all Im saying is… VUL is very good choice for 25 below.

  • Aila says:

    Thank you for sharing these Sir Vince. Very informative po lalo na sa mga novice na katulad q. I would just like to know if you have any best term insurance na affordable na malaki face amount. I am currently 29yo. Your recommendation is highly appreciated. Thanks.

  • Flordeliza Flores says:

    Yes nakita ko na po ang point nyo kc nman ang piliwanag nila the investment will statrs at the eight year pa ! So wla akong investment for 7 years! Patay !

  • kakai says:

    I’m on my 4th year na sa VUL ko and yung hubby ko naman on his 3rd year na. Im planning to get a VUL for my dad sir vince, di pa ako nakapagcommit sa friend ko, thanks for sharing this, totoong malaki ang savings in securing term than VUL. Itutuloy ko nlang yung nasimulan ko sa VUL namin ni hubby sayang kasi. Do u have any recommended na mga insurances for term sir vince?

  • Michael Jaya says:

    Sir Vince, i found it shocking about VUL kasi kumuha ako ng 3 policies na VUL, for me, my wife, and my son, bunsod na rin ng agent na nag advice sa amin. Medyo discoursging nga lang kasi nga halos kakarampot pa lang yong fund value namin. We are on our 5th year na with my wife, while my son is on his 3rd year. Im now inclined to take your advice to separate investment from insurance. Paano po yong gagawin ko so i can do your advice? And put it instead to BTID where i can grow more on investment. Yong mga insurance company, like the yellow has BTID? Need your help, sir vince. Thank you

  • Evangelina says:

    Well,sir vince i believed po sa iyong suggestions,mas maganda nga naman nakahiwalay ang investment sa insurance kasi bawat portion nito ay may nakaagapay na risk!

  • Kristine says:

    Thank you for the detailed explanation and comparison of BTID and VUL. The BTID strategy is recommended by a lot of financial gurus local and foreign – gurus who have tv segments, books, and have a proven track record of their financial wealth. Hence, It is good to listen and learn from them because they have studied a lot of these things already. Thanks for making it simple to understand for the ordinary Filipino, Sir.

  • Maria Andes Tejereso Caspe says:

    Hi Sir Vince, I find it complicated the Term, Vul, BITD, I need to study well your explanation. May I have your advise if favourable pa bah sa akin considering I’m going 59 this June, 2018? Thanks sa infos. Sir. God bless you!

  • Jhoms says:

    Thank you Sir Vince sa super detailed and totoo at walang halong biased explanation mo po na ito at kayo lang din po (in my knowledge) ang nakita kong against sa VUL so far. Ngayon, sa totoo lang napapaisip po akong isurrender and policy ko knowing na malulugi ako dahil almost half lang ng total na binayad ko ang makukuha ko. I’m in the second year po sa policy ko at ngayong nabasa ko to, napapaisip ako. I’m 25 yrs old ayoko pong masayang mga pinaghihirapan ko at dahil hindi naman malaki kinikita ko per year a little above minimum lang po so super nagtitipid po ako makabayad lang sa premium ng VUL ko. Sir, kung maaari matulungan nyo ko. 350K po ang face amount ng policy ko with accidental death benefit of 350K din. 19K po premium ko per year. Sobrang wala pa po akong alam noon sa mga ganitong bagay last year, so ang nasa isip ko basta may insurance na ko, ok na ko. Sulit pa po ba ang policy ko? mas maigi po bang isurrender ko na to? Nabasa ko naman po yung post nyo about sa pag-susurrender ng policy or kung anong gagawin kung sakaling nandito ka na sa sitwasyon na may VUL ka. Umaasa lang po ako sa mas personal na payo ninyo having my details given at sa expertise nyo. Maraming maraming salamat po. Super aabangan ko po ang reply nyo.

  • Isagani Estanislao says:

    BTID offers the 1M insurance (for example) up to age 69 or 70 only while the VUL can offer more than 1M if you opted to continue paying the premium up to 70 years old and beyond. The VUL of my son which I am paying is 5,459.00/month and it has a 1M coverage for a 10 year paying period. Then if he opted to continue paying, the monthly premium will be 3,581.55/month up to the age of 70. The total cash layout up to age 70 is 2,159,417.90. At the age of 60, the benefits will be 19M (8% annual growth) while at the age of 70, the benefits will be 41M (8% annual growth). Although the annual rate of return is not guaranteed, I believe the same formula is also being applied in the BTID in order to satisfy the reasoning.

  • Lucy says:

    Sir Vince, it is not necessarily mean na pag matanda na ang isang tao ay wala ng use ang insurance, this can use as estate tax proposition or wealth transfer for the beneficiary as legacy to the love-ones kung wala naman properties for estate tax.

  • Dr. Edwin Salagoste says:

    Sir na hurt ka eh kung paano mo tinira yong VUL dapat nag hinay hinay karin muna. I suggest sa TV appearance mo mag discuss kayo ni Sir Boyet Enicola Jr para maliwanagan ang tao at hindi one sided. Invite pa kayo ng galing sa iba investments para tao humusga.

  • Marvin says:

    Vincent Rapisura, Could you post a comparison for someone who could only shell out 12K per year? LIFETIME investment. age 35-65. 1M coverage.

  • Jerome Marcos says:

    Hi, for the sake of validation, can I request for the details/proposal/contracts of the insurance plans you used in your illustration? Thank you.

  • Marione says:

    HAhaha opo. Dumirecho ko sa tables. Hehehe. Ty sir.

  • Marione says:

    Sir Vince, sa anung instance nyo po mairerecommend ang VUL? Thanks po.

  • Manuel Enicola Jr. says:

    Masyadong mahal ang VUL na ginamit mo. Kaya panalo ang BTID. Obvious ba? Why not try 3,000,000 sum insured with 18,000 annual level premium for issue age 35? Then, match a BTID with that. I will send you the illustration to show you that a PROPERLY DESIGNED VUL is better than BTID….

    • Vincent Rapisura says:

      Sige daw, ipakita ang sinasabi niyo. PM me a pic of the policy you are saying and then I will analyze that and compare it with BTID.

  • Avi says:

    This is very good illustration, Sir. Sa palagay ko po, ang downside nga lang ng Term Insurance ay papaano kung di ka na insurable kahit may pambayad ka. Dahil hindi naman natin alam if we will remain healthy hanggang 65 or 70 years old tayo which is the maximum age na makakakuha ng Term Insurance.

  • Elly says:

    Sir Vince…thank you po..kase po balak ku sanang kumuha ng VUL pero mas maigi pala na dalawa..thank you po..Godbless you always sir…

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: