was successfully added to your cart.

Cart

Paano pagkakitaan ang condominium sa pamamagitan ng AirBnB

Macau — Nitong pagbisita ko sa Macau para magbigay ng financial literacy training sa Ateneo Leadership and Social Entrepreneurship (A-LSE) program, nakausap ko ang isa sa mga graduates nito, si Roanne Patulan.

Kinamusta ko siya at nasiyahan akong maayos ang kaniyang kalagayan.

“Ok naman, compared sa Philippines kasi mas laid back naman ang work dito. Hindi katulad sa Philippines na puro ka OT and then you don’t get paid well,” ang tugon niya sa akin.

Si Roanne ay 34 years old at isang senior draftsman sa isang kilalang hotel and casino chain sa Macau. Sampung taon na siyang nagtatrabaho dito.

Dahil matagal na siyang OFW, na-curious ako kung marami na siyang savings at investment.

“Hindi rin e, kasi parang ngayon pa lang ako nag-start mag-LSE. Kasi nagbayad pa kami ng mga utang and then nagpaaral pa dun sa kapatid ko. Kasi kaya naman ako napunta dito sa Macau is para tulungan ko ang parents ko na makabayad dun sa schooling namin,” paliwanag niya.

Maraming nagtatanong sa akin kung ano ang A-LSE. Tingin ko mas maganda kung magmula mismo sa isang graduate ang mag-describe nito kasi naranasan nila nang buo ang programa.

“Yung A-LSE is Leadership and Social Entrepreneurship na tumutulong sa mga Filipino, especially OFWs, para ma-open yung mind nila kung paano talaga mag-business at the same time makakatulong ka din sa kapwa. It’s a program of Ateneo,” paglilinaw ni Roanne.

Kasama sa first batch ng A-LSE sa Macau si Roanne na nagsimula noong 2014. Ang A-LSE ay nagsimula sa Rome noong 2008.

Pang-61 na batch na sa buong mundo ang kasalukuyang dumadaan sa programa. May sabay-sabay na programa ngayon ang A-LSE sa mga sumusunod na bansa – Hong Kong, Singapore, Dubai, Abu Dhabi, Tokyo, Madrid, Barcelona at Doha.

Isa ako sa mga nagtuturo sa programang ito bilang volunteer simula 2008 at may mahigit kumulang 3,000 na ang graduates ng programa.

Tinanong ko si Roanne kung may sapat na siyang emerency savings dahil isa ito sa mga binibigyang diin ko sa aking training session.

“I’m slowly building it kasi yung mga savings ko napunta sa investment,” paliwanag niya.

Nag-follow up ako kung ginamit ba niya lahat ng emergency savings para sa investment.

“Hindi naman, may naiwan pa rin,” dagdag niya.

Isang condominium unit ang napiling investment ni Roanne.

“Yung condo unit na na-purchase ko, tinurn out ko siya as AirBnB. Three years na akong nag-AirBnB, nag-start ako ng March 2015 and until now nagra-run pa siya and hindi pa rin ako nauubusan ng mga temporary tenants,” pagbabahagi ni Roanne.

Very proud siya sa kaniyang investment at parati siyang excited mag-kuwento sa akin tungkol dito kapag kami ay may tsansang magkita o mag-chat online.

“Ang AirBnB is a social platform na tumutulonh dun sa mga tao na hindi maka-afford ng hotel,” paliwanag ni Roanne.

Kung may property ka, maari mong ipalista ito sa AirBnB at maari itong rentahan ng may gusto.

“Pupunta ka sa website, magsa-sign up ka lang dun and then meron dun mga instructions naman na susundan mo e,” paliwanag ni Roanne.

Marami ang kumukuha ng condominium pero hindi alam ang aking three basic rules kung gagawin itong investment.

Una, dapat mas mataas ang rental income kaysa sa loan amirtization. Pangalawa, dapat within 8 years ay mabawi na ang pinambili dito. At panghuli, kinakailangan kumuha ng property insurance na may acts of God provision, bilang proteksyon sa anumang sakuna.

Katulad ng marami, hindi kayang bilhin ni Roanne ng cash ang condominium kaya kumuha siya ng loan oara dito.

“Binayaran ko siya ng monthly for the equity and then after nun, nung na turnover na sa akin yung unit saka ko siya na-start mapa-AirBnB,” aniya.

“Mas malaki pa din yung amortization (sa loa) — hindi naman malayo yung difference,” dagdag pa niya.

Sampung taon ang kinuhang loan term ni Roanne para bayaran ang condominium.

Ang madaling remedy dito ay pahabain ang loan term upang bumaba ang loan amortization. Pero isa si Roanne sa mga gustong mabayaran agad ang utang para maging unencumbered ang kaniyang asset.

“Kasi ang balak ko, maglagay ng money. Parang mag-iipon ako ng certain amount, then ilalagay ko siya dun sa bank para bumaba yung principal,” paliwanag niya.

Isa ito sa mga binigay kong advice sa kaniya nung minsang kumunsulta siya sa akin sa pamamagitan ng Facebook messenger.

May kinukuhang porsiyento ang AirBnB kung magpapalista ng ari-arian sa kanila para maipa-rent.

“Yung nakukuha ng AirBnB is 3% and then dun sa tenant kasi sila kumukuha ng 7%,” pagbibigay linaw ni Roanne.

Para sa mga nagbabalak i-AirBnB ang kanilang condominium, ito naman ang payo ni Roanne, “I think huwag lang silang matakot mag-invest. Atsaka pag-aralan nila yunh bawat step na gagawin nila. Kasi kung hindi nila pag-aaralan yun, baka in the end lugi din sila e. Huwag matakot mag-invest, kasi may reward siya in return.”

Ang AirBnB unit ni Roanne sa Makati na may 5 star rating.

Para makita ang ang AirBnB Unit ni Roanne, i-click ang picture.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: