Handa ka na ba para sa retirement?

Ang retirement planning ay inuumpisahan habang bata ka pa. Sa Ateneo LSE, maihahanda ka namin para sa iyong retirement.

May ipon ka na ba para sa edukasyon ng iyong mga anak?

Pangarap ng bawat pamilyang Filipino na mapagtapos ang kanilang mga anak. Sa Ateneo LSE, tuturuan ka naming makaipon para sa pagpapaaral ng iyong mga anak.

Kaya mo na bang magsimula ng business?

Halos lahat ng OFWs ay nagnanais umuwi ng Pilipinas. Sa Ateneo LSE, magagabayan ka naming gumawa ng business plan bilang paghahanda sa paguwi mo sa Pilipinas.

May sarili ka na bang bahay?

Ang bahay ay simbulo ng seguridad sa buhay. Sa Ateneo LSE, matutulungan ka naming pagplanuhan ang mga pangarap mo sa buhay.

1
1

Ang LSE Program ng Ateneo de Manila University ay makakatulong sa iyo upang makamit ang iyong mga pangarap.

Ang Ateneo Leadership, Financial Literacy at Social Entrepreneurship (LSE) Program ay naglalayong bumuo ng nagkakaisang mga OFWs at kanilang mga pamilya upang suportahan ang isa’t isa para maging kagalang-galang na miyembro ng komunidad at nagkukusang tumulong para sa pagunlad ng Pilipinas.

Leadership

Sa Ateneo LSE, nagtuturo ng leadership skills ang mga OFWs na tingnan ang kanilang mga sarili bilang mga kinatawan ng pagbabago at transpormasyon.

Financial Literacy

Sa Ateneo LSE, nagkakaroon ng financial knowledge and skills ang mga OFWs upang magkaroon ng seguridad para maabot ang kanilang mga pangarap tulad ng retirement, pagkakaroon ng bahay, magpagaral ang mga anak at magsimula ng maliit na negosyo bilang paghahanda sa pagbabalik sa Pilipinas.

Social Entrepreneurship

Sa Ateneo LSE, inihahanda ang mga OFWs na kilalanin ang kanilang kakayanan sa pagnengosyo upang hindi parating nakaasa sa paga-abroad. Tinuturuan ang mga OFWs na gumawa ng business plan.

Ang Ateneo LSE Program ay isang 6-month course na may 12 sessions. Tig-apat na sessions para sa leadership, financial literacy at social entrepreneurship.

Positibong Resulta

Nagkakaroon ng tiwala sa sarili, motibasyon at inspirasyon ang mga sumasali sa Ateneo LSE. Marami ang nagsabing napabilis nila ang pag-abot sa kanilang mga pangarap sa tulong ng Ateneo LSE.

Mahigit 1,200 graduates

May 44 na batches na ng mga nakapagtapos sa Ateneo LSE. Halos 1,200 OFW graduates ang nakinabang sa programa sa iba’t ibang bansa – Belgium, France, Hong Kong, Italy, Macau, Netherlands, Spain at United Arab Emirates.

Sulit at Abot-kaya

Sa halagang PhP 6,500 para sa 12 sessions, may pagkakataong kang matuto sa mga batikang propesor, negosyanteng may puso at  mga taong eksperto sa kanilang mg larangan. Makakakuha din ng Certificate sa Ateneo sa araw ng graduation.

SE Consortium

Binubuo ng Ateneo de Manila University, OFSPES, SEDPI at Ugat Foundation and LSE Consortium. SIla ang nagpapalakad sa LSE sa tulong ng mga embahada ng Pilipinas, POLO, OWWA at ng CFO.