was successfully added to your cart.

Cart

Paano makakaipon ng PhP1 million

Madami ang naghahangad maging milyonaryo. Ginagamit itong sukatan ng marami upang maituring na mayaman.

Kasama ng pagtatanong kung paano magkaroon ng isang milyon ay kung kailan ito makukuha. Mahalagang magtalaga ng realistic timeframe kung kailan ito makakamtan at ang susi dito ay ang paggawa ng financial plan. (Basahin: Paano gumawa ng financial plan)

Create active income

Ang active income ay income na kinikita natin sa pagtatrabaho. Ito ang pagmumulan ng ating pera para meron tayong panggastos, pang-ipon at pang-invest.

Sa active income nagsisimula ang lahat. Kailangan ng hard work para magkaroon nito. Halimbawang kumikita ka ng PhP20,000 kada buwan at maitatabi mo ang 20% dito o PhP4,000 kada buwan, aabutin ka ng mahigit 20 years para maka-ipon ng isang milyon.

Ang tagal di ba?

Kaya kaialangan natin ng maraming strategies upang magkaroon ng PhP1 milyong ipon. (Panoorin: Financial life stages)

Invest in yourself

Ang pagyaman, napag-aaraalan!

Yan ang aking tag-line. Ito ang napili kong tag-line para i-emphasize na ang pagyaman ay hindi nakukuha sa suwertihan lang, ito ay masusing pinaghahandaan sa pamamagitan ng pag-aaral. Ang pag-aaral ay investing in yourself.

Sa pamamagitan ng pag-aaral, you increase your knowledge. Kapag mas may alam ka, mas mahal ang presyo ng trabaho mo mas mahal ang ibabayad sa oras mo. You can also improve your skills at magiging pareho ang epekto nito. (Panoorin: Invest in yourself)

Kapag mas mataas ang ating knowledge and skills, tataas ang ating market rate. So ang dating Php20,000 na suweldo maaring tumaas at maging PhP50,000.

Let’s say, 20% pa din ang ise-save natin sa bagong suweldo na PhP50,000 o PhP10,000 kada buwan; ang dating aabutin ng 20 years para maka-ipon ng isang milyon ay magiging nasa eight years na lang.

Medyo matagal pa din, right?

Increase profit margin

Here’s another thing you can do, increase your profit margin. Ang profit margin ay ang gap ng kinikita sa ginagastos. So kung, ime-maintain natin ang ating lifestyle noong kumikita tayo ngg PhP20,000 kahit na PhP50,000 na ang kinikita natin ngayon, mas malaki ang puwede nating maipon.

For example, instead na PhP10,000 ang itatabi natin kada buwan, gawin natin itong PhP25,000 kada buwan. Maiipon na natin ang isang milyon sa loob lang ng tatlong taon at apat na buwan. (Basahin: Paano kumita, gumasta, mag-ipon, mangutang at mag-invest ang mga maginhawa sa buhay)

Hindi na masama di ba?

Save and invest your active income

Sa totoo lang, ang dapat na ginagawa natin ay kombinasyon ng mga nasa itaas. Magtrabaho tayo nang mabuti upang kumita ng pera at pagkatapos ay ipunin ito at gamitin sa pag-iinvest.

Tandaan, savings is the postponement of the pleasure of spending. Ipagpaliban lang muna ang paggasta, ipunin ito at iinvest para mas mapabilis ang pagkakaroon ng karagdagang kita. (Basahin: Paano malalaman kung ano ang tamang investment product na nababagay sa plano o pangarap ko sa buhay)

vincerapisura.com


21 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: