was successfully added to your cart.

Paano magbukas ng Modified Pag-IBIG II (MP2) account?

Simple lang ang paraan sa pagbukas ng Modified Pag-IBIG II (MP2) account. Sundan lamang ang mga sumusunod na steps para dito.

Gamit ang online enrollment

  1. Mag-connect sa internet gamit ang Internet Explorer at bisitahin ang Modified Pag-IBIG 2 Enrollment System.
  2. I-fill out ito at i-submit ang online application form.
  3. I-print ang na-fill up na electronic form na nakalagay ang iyong MP2 account number.
  4. Pumunta sa pinakamalapit na branch ng Pag-IBIG at i-sumite ang electronic MP2 form.
  5. Bayaran ang iyong contribution.
  6. Kung gustong dagdagan ang iyong contribution sa mga susunod na mga buwan, maghulog lang sa Pag-IBIG or sa isa sa mga accredited agents.

Gamit ang downloadable form

  1. Mag-connect sa Internet at i-download ang Modified Pag-IBIG II Enrollment Form (HQP-PFF-226)
  2. I-print ang na-download na form at i-fill out ito.
  3. Pumunta sa pinakamalapit na branch ng Pag-IBIG at i-sumite ang MP2 form.
  4. Bayaran ang iyong contribution.
  5. Kung gustong dagdagan ang iyong contribution sa mga susunod na mga buwan, maghulog lang sa Pag-IBIG or sa isa sa mga accredited agents.

Gamit ang form sa branch

  1. Pumunta sa pinakamalapit na branch ng Pag-IBIG
  2. Humingi ng Modified Pag-IBIG II Enrollment Form (HQP-PFF-226). I-fill out at i-sumite ang form.
  3. Bayaran ang iyong contribution.
  4. Kung gustong dagdagan ang iyong contribution sa mga susunod na mga buwan, maghulog lang sa Pag-IBIG branches or sa isa sa mga accredited agents.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: