Simple lang ang paraan sa pagbukas ng Modified Pag-IBIG II (MP2) account. Sundan lamang ang mga sumusunod na steps para dito.
Gamit ang online enrollment
- Mag-connect sa internet gamit ang Internet Explorer at bisitahin ang Modified Pag-IBIG 2 Enrollment System.
- I-fill out ito at i-submit ang online application form.
- I-print ang na-fill up na electronic form na nakalagay ang iyong MP2 account number.
- Pumunta sa pinakamalapit na branch ng Pag-IBIG at i-sumite ang electronic MP2 form.
- Bayaran ang iyong contribution.
- Kung gustong dagdagan ang iyong contribution sa mga susunod na mga buwan, maghulog lang sa Pag-IBIG or sa isa sa mga accredited agents.
Gamit ang downloadable form
- Mag-connect sa Internet at i-download ang Modified Pag-IBIG II Enrollment Form (HQP-PFF-226)
- I-print ang na-download na form at i-fill out ito.
- Pumunta sa pinakamalapit na branch ng Pag-IBIG at i-sumite ang MP2 form.
- Bayaran ang iyong contribution.
- Kung gustong dagdagan ang iyong contribution sa mga susunod na mga buwan, maghulog lang sa Pag-IBIG or sa isa sa mga accredited agents.
Gamit ang form sa branch
- Pumunta sa pinakamalapit na branch ng Pag-IBIG
- Humingi ng Modified Pag-IBIG II Enrollment Form (HQP-PFF-226). I-fill out at i-sumite ang form.
- Bayaran ang iyong contribution.
- Kung gustong dagdagan ang iyong contribution sa mga susunod na mga buwan, maghulog lang sa Pag-IBIG branches or sa isa sa mga accredited agents.
Salamat sir Vince sa blog na to napaka helpful
God bless