Ang time deposit ay isang savings product ng bangko na nagibigay ng mas mataas na interest rate kumpara sa regular saving deposit kapalit ng pagpayag na hindi gagalawin ang deposito sa loob ng isang takdang panahon.
Covered ng Philippine Deposit Insurance Coporation (PDIC) ang time deposit sa bangko hanggang sa halagang PhP500,000. Dahil dito, isa ito sa pinaka-secure na investment.
Kailan dapat ginagamit ang time deposits?
Emergency fund
Mainam na gamitin ang time deposit para sa emergency fund. Liquid ito dahil madaling i-pre-terminate at most of the time hindi rin nababawasan ang idineposito dahil ang penalty ay sa interest rate na kikitain pinapataw.
Education of children
Para sa mga nag-iipon para pang-kolehiyo ng mga anak, kailangang ilagay na sa time deposit ang pondong nakalaan para sa time deposit kung less than three years ay gagamitin na ang pera. Maari din itong ilagay sa mutual fund pero siguraduhing sa money market fund ito ilalagay, hindi sa balanced fund o sa equity fund.
Retirement fund
Para sa mga nag-retire na, kailangan nang protektahan nang husto ang kanilang retirement fund. Para sa akin, mainam na ilagay na sa time deposit ang malaking bahagi ng retirement fund kapag umabot na sa retirement age.
Ito ay dahil sa security at liquidity feature ng time deposit. Sa ganitong estado, hindi na dapat tumataya masyado sa riskier investments ang mga nasa retirement age na dahil kulang na ang oras nilang maka-recover.
May mga time deposit na nagbibigay ng monthly or quarterly interest sa halip na hintayin ang pagtatapos ng termino bago ito ibinibigay. Dahil sa feature na ito, nakapagbibigay ng maayos na cash flow ang time deposit.
Take advantage of the tax exempt feature of long term time deposits. Kapag more than five years kasi ang term o placement, wala nang withholding tax na 20% sa interest na kikitain.
Sir Vince’s use of time deposits
My personal strategy is to save in rural banks dahil mas mataas silang magbigay ng interest. Sa halagang PhP500,000 nasa 1.00% to 1.50% per annum lang ang interest sa five year term. Sa rural banks, ito ay nasa 4% to 7% per annum.
I have the bank settle the interest earned in my savings account so I can make use of it to invest more or to spend. Ito rin ay para siguradong PhP500,000 lang ang nasa rural bank at ito ay fully covered pa rin ng PDIC.
Good morning po Sir Vnce , Isa po akong OFW may tanong lang po ako kung mag lagay po ng time deposit sa Rural bank dapat lang po ba ay nasa 500k lang ang time Deposit para covered ng PDIC or pwedi po mag lagay ng amount na more than 500k or the other amount ay ilalagay ko ulit sa another rural bank para doon ko i deposit the remaining amount na gusto ko para madagdagan ang investment ko at ang interest to be deposited to my account every Quarterly or Yearly po .. Sana po masagot mo mga tanong ko po .. Salamat po & God Bless.
Sir Vince sa PNB po yung aking time deposit Hindi po sa rural bank nasa more than 400,000 including the interest more than 5rys na rin naka time deposit pero hindi kalakihan ang interest nya yearly po ito..itanong ko lang po kung insured din po ang PNB sa PDIC ? In case magsara ang ang PNB BANK ma e claim ko rin po ba ang pera ko? Or kailangan ko po ilipat sa rural bank?
Thank u po..
Lahat po ng bangko sa Pilipinas ay insured sa PDIC. Batas po yan. =)
Sir Vince, just a follow-up question lang po about sa amount ng time deposit. For example po, nagdeposit ako ng saktong P500,000 and after a year nagsara po ang bangko with interest at lumagpas po sa P500,000 ang total because of incurred INTEREST. How much po ang maibabalik lahat? Sa PDIC na po ba diretso mag-kiclaim? On the other hand, e kung sa branch area lang naman po nagsara pero sa karatig area or head office ng bangko ay hindi. Paano po kaya?
Very good questions. Kapag sumobra po sa 500,000 dahil sa compunding interest, hindi mo na makukuha ang sobra kasi up to 500,000 lang ang insured. Kaya ang technique, kuin mo ang interest agad kapag nagbigay ang bank. Usually, quarterly sila nagbibigay.
Sa pag-claim naman, may time na sa branch puwede kapag ni-takeover na ng PDIC. Naglalabas naman ng abiso ang PDIC. Kung hindi ka umabot doon, sa PDIC office na mismo ang diretso.
Kung ang branch lang ang nagsara, ibig sabihin, hindi po nagsara totally ang bangko. Puwede po kayo sa ibang branch nila pumunta o kaya aman ay sa head office. Hindi covered ng PDIC kung branch lang ang nagsara, dapat ang buong bangko po.
hi po if ever po ba na mag time deposit po? how much po ung minimum? any amout po ba?
anu pong masu suggest nyo na rurlal bank? eastwest bank po ba okie na?
Most banks accept a time deposit as low as PhP1,000.
Sorry po, hindi po ako nagri-recommend ng produkto, kumpaniya o negosyo.
sir vince, for example po na bankrupt ung rural bank na pinag investment mu sure po ba na mababawi mu ng buo ung nilagay mu sa time deposit at makukuha mu din ng buo ang lahat ng interest?
yes, basta up to 500,000 lang
Hello! Sir Vince, good day po if ever na ilagay ko sa Rural bank ang pera ko as time deposit for seven years, allowed ba na kunin ko ang interest ng pera ko monthly. Thanks and God bless.
A blessed day sir Vince, maraming salamat sa idea na ito. Emergency funds and a good portion of my savings for retirement must be in time deposit. Since i started following you advice, my financial situation is getting beter. God bless you more.
Ano ano po ang mga rural bank?
Sir, tanung lang saan mas ok time deposit para education. Or kukuha k ng plan para sa education.tnx u
Hi Sir Vince, thanks a lot sa mga shineshare mo. It really helps a lot to me as an ofw on where my earnings should go. May inooffer kase ang PAg-ibig, its like time deposit din payable for 5 yrs with an interest of like 6.2% per annum. And any amount pwedeng ideposit. Its tax free. What do you think about this? Thanks for your reply.
Hi Sir Vince, Good day! Sir, paano po malalaman na good standing ang isang rural bank? Can you give me a hint or idea, which and where? Thank you Sir.