Isa sa mga advocacies ko ang pag-promote ng deposits sa mga rural banks. Bukod kasi sa mataas ang interest rate na ibinibigay nila kumpara sa mga commercial banks, nakakatulong ka sa local economic development ng kanayunan. (Read: Ang bangkong nagbibigay ng pinakamataas na interest rate)
Pero siyempre, dapat maging maingat tayo dahil marami sa mga rural banks ay hindi sintatag ng mga commercial banks. Kaya limitahan ang exposure dito hanggang sa makocover lang ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
Philippine Deposit Insurance Corporation
Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay naitatag noong June 22, 1963 sa bisa ng Republic Act 3591. Sa ilalim ng na-amyendahang charter ng PDIC, ang mandato nito ay magbigay ng proteksyon sa mga depositors at paigtingin ang financial stability ng mga bangko.
Nagagawa ito ng PDIC sa pamamagitan ng pagbibigay ng permanente at patuloy na deposit insurance sa lahat ng mga depositors hanggang PhP500,000; ang maximum deposit insurance coverage sa mga bangko.
Deposits up to PhP100,000
Hindi kinakailangang mag-file ng claim ang mga depositors na hindi lalagpas sa PhP100,000 ang kanila deposito sa bangko. Qualified ang mga accounts na ito sa early payment kung saan ipapadala sa kanilang mailing address ang cheke o money order sa pamamagitan ng registered mail o courier.
(Read: Early payment: PDIC claims for deposits up to PhP100,000)
Mga required mag-file ng claim
- Depositors na may valid deposit accounts na may balanseng higit pa sa PhP100,000
- Depositors na may outstanding obligation o pagkakautang sa nagsarang bangko kahit magkano pa ang laman ng naiwang deposito sa parehong bangko
- Depositors na may deposit account na mas mababa pa sa PhP100,000 pero hindi updated ang kanilang mailing address
- Depositors na may account sa bangko pero ito ay nakapangalan sa business entities kahit na anong klase pa ng deposit account meron sila sa bangko o magkano ang laman ng mga ito
- Depositors na hindi eligible sa early payment anumang klase ang kanilang account o magkano ang laman ng mga ito ayon sa abiso ng PDIC
Kailan ifa-file ang claim
Sa panahon ng claims settlement operations kailangang mai-file ang claim. Ito ay ina-anunsiyo sa Notice to Depositors na nailalathala o naipa-publish sa mga local at national newspapers.
May dalawang taon ang mga depositors na mag-file ng kanilang deposit insurance claim mula sa petsa ng pag-takeover ng PDIC sa nagsarang bangko
Document requirements
Ito ang mga document requirements sa pag-file ng deposit insurance claim:
- Original evidence of deposits tulad ng passbook, certificate of time deposit, bank statement, mga hindi pa gamit na cheke at ATM card
- Dalawang valid ID na may litrato at pirma ng depositor o claimant
- Kung ang depositor ay <18 years old, photocopy ng kaniyang birth certificate galing sa NSO o kaya naman ay certified copy galing sa local civil registrar; at mga valid IDs ng mga magulang nito
- Original copy ng notaryadong Special Power of Attorney (SPA) para sa mga claimants na hindi mga signatories sa bank records. Kung <18 years old, ang mga magulang ang siyang nag-execute ng SPA.
Download Special Power of Attorney Form
Claim form signatory
Ang claim form ay kinakailangang pirmahan ng depositor mismo kung ang depositor ay >18 years old. Ang mga magulang naman ang pipirma sa claim form kung siya ay <18 years old.
Agent ang pipirma kung ang account ay isang “By” account. Ang trustee naman ang pipirma kung ang account ay isang “In trust for (ITF)” account.
Kung joint account naman, ang pirma ng lahat ng mga depositor ay kinakailangan katulad ng mga joint accounts sa “Or,” “And/Or,” o kaya ay “AND” accounts.
File personally
Maaring i-file personally ang claim sa mga PDIC representatives sa opisina ng nagsarang bangko sa panahon ng claims settlement operations. Kapag hindi nakahabol sa claims settlement operations, maaring magtungo sa PDIC Public Assistance Center na matatagpuan sa 3rd Floor, SSS Building, 6782 Ayala Avenue corner Rufino Street, Makati City.
Kung hindi kayang mag-file personally ng depositor, maaari siyang magpadala ng authorized representative sa pamamagitan ng isang notaryadong SPA. Kapag isang OFW at nasa abroad, ang SPA ay kinakailangang notaryado ito ng pinakamalapit sa kaniyang konsulato ng Pilipinas.
Filing through mail
Maaring mag-file sa pamamagitan ng pagpapadala ng accomplished at notarized claim form at iba pang requirements sa address na ito:
The Claims Processing Department
Philippine Deposit Insurance Corporation
4/F SSS Building, 6782 Ayala Avenue corner
V.A. Rufino Street, Makati City 1226
Signatures must match
Kinakailangang mag-match ang pirma ng depositor sa mga sumusunod na dokumento: (1) claim form; (2) ipinasang ID; at (3) siganture cards o kaya mga pinirmahang dokumento ng depositor sa nagsarang bangko.
Letter-notices
Kapag hindi nakahabol sa panahon ng claims settlement operations ng PDIC sa opisina ng nagsarang bangko, magpapadala ng letter-notices sa mga depositors na hindi nakapag-claim pero ang mga pangalan ay nasa tala o record pa nito.
Nakalagay sa letter-notice ang impormasyon kung paano, saan at kailan mag-file ng kanilang claim. Nakalakip na rin sa letter notice ang claim form.
Mabilis ang proseso
Nang magsara ang Siargao Bank, kung saan ang isa sa aking mga kumpaniya ay depositor, nabawi namin ang aming deposit sa loob ng tatlong oras matapos naming mai-sumite ang lahat ng document requirements.
Ang bangko ay nasa Surigao City pero hindi namin kinailangang magtungo doon. Sa opisina ng PDIC sa Makati kami nagtungo para mag-file ng claim.
Nabawi naman nang buo, kasama ang interest ang aming deposito na hindi lumagpas sa PhP500,000. Dahil sa karanasang ito, lumakas ang kumpiyansa ko sa PDIC.
Download Special Power of Attorney Form
Wow,thanks po sir vince!😊👍👏🇵🇭