was successfully added to your cart.

Cart

Early payment: PDIC claims for deposits up to PhP100,000

By July 21, 2018 Savings

Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay naitatag noong June 22, 1963 sa bisa ng Republic Act 3591. Sa ilalim ng na-amyendahang charter ng PDIC, ang mandato nito ay magbigay ng proteksyon sa mga depositors at paigtingin ang financial stability ng mga bangko.

PhP500,000 maximum deposit insured

Nagagawa ito ng PDIC sa pamamagitan ng pagbibigay ng permanente at patuloy na deposit insurance sa lahat ng mga depositors hanggang PhP500,000; ang maximum deposit insurance coverage sa mga bangko.

Sa pagkakaalam ko, nagbabayad ang lahat ng mga bangko sa PDIC ng katumbas ng 0.50% na deposit insurance premium sa bawat pisong idinedeposito natin sa bangko. Bahagi ito ng gastos ng bangko sa kanyang savings o deposit mobilization na siya naman nitong gagamitin sa pagpapautang.

Early payment

Ang mga depositors na may deposit balance hanggang PhP100,000 ay hindi kinakailangang mag-file ng claim. Qualified ang mga account na ito sa early payment at babayaran sila sa pamamagitan ng money order o kaya ay cheke na ipapadala sa registered mail o iba pang courier services.

Requirements for early payment

Ang mga depositors na qualified sa early payment ay kinakailangang walang outstanding obligation o walang pagkakautang sa naisarang bangko. Hindi din dapat sila nagsign bilang co-maker ng sinumang may utang sa nagsarang bangko o kaya ay asawa nito.

Mahalagang updated ang personal information sa bangko bago ito magsara dahil kinakailangan ding updated ang complete mailing address sa records ng bangko. Kung hindi, maaari itong ma-update sa bangko bago magsimula ang onsite claims operation ng PDIC gamit ang Mailing Address Update Form (MAUF).

Kapag hindi updated ang mailing address at hindi rin umabot sa pag-submit ng MAUF bago ang onsite claims operation ng PDIC, kinakailangang mag-file ng claim ang depositor. Maaring makuha ang MAUF forms sa PDIC representatives na makikita sa nagsarang bangko bago magsimula ang onsite claims operations.

Dapat ang account ay hindi din naka-pangalan sa mga business entities para ma-qualify sa early payment.

File claims

Kung hindi pasok sa early payment, kinakailangang mag-file ng claims. Maaari itong gawin personally o kaya naman ay sa pamamagitan ng mail.

Para malaman ang detalye, basahin ang “Paano mag-file ng claim ng deposit sa nagsarang bangko?”

Download PDIC Claim Form

vincerapisura.com


One Comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: