was successfully added to your cart.

Cart

Paano kumikita ang mga credit card companies

By July 26, 2018 Loans

Malaki ang kinikita ng mga credit card companies kaya afford nila magbigay ng mga irresistable promotions. Here are the ways they earn. 

Interest

Alam nating mataas ang interest rate na ipinapataw ng mga credit card companies. Isa sa mga dahilan dito ay ang mataas ding default rate nila kaya kailangan nila itong bawiin. Non-collaterilized kasi ang mga credit cards, wala tayong security na ibinibigay dito – clean ang loan.

Usually 1% to 5% per month ang interest rate na ichinacharge ng mga credit card companies. Pero, other than interest rates, saan pa ba kumikita ang mga credit card companies?

Commissions from merchants

Lingid sa kaalaman ng marami, dito rin malaki ang kita ng credit card company. Kasi bukod sa interest na binabayaran ng credit card holder sa kanila, nagcha-charge din sila sa mga merchants o sa mga nagbenta.

Nasa 2% hanggang 7% naman ang kinukuhang commission ng credit card companies sa mga merchants. Kaya kahit na bayaran mo ang total amount due every month at wala kang babayarang interest sa kanila, kikita pa rin sila sa commissions nila sa mga merchants.

Ang technical term sa commission na ito ay interchange fees.

Card fees

Napakaraming credit card fees na maaring ipataw sa mga credit card holders. Ito ay ang mga sumusunod annual fee, membership fee, balance transfer fee, cash advance fee, foreign transaction fee, late payment fee, returned payment fee, returned check fee at penalties.

(Read: Anu-ano ang mga credit card fees?)

Selling customer data

Nagbebenta din ng customer data ang mga credit card companies. Pero ito usually ay anonymous at aggregated para hindi makita ang personal information natin.

Expensive loan

As you can see, credit card is an expensive source of credit kaya dapat ay gamitin ito nang tama. Make sure that you follow my cardinal rule in credit card use: pay the entire total amount due always.

Otherwise, wala ka pang “K” magka-credit card.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: