was successfully added to your cart.

Cart

Anu-ano ang mga credit card fees?

By July 23, 2018 Loans

Bukod sa interest, kumikita ang mga credit card companies sa mga fees na ipinapataw nito. Narito ang ilan sa mga iyon.

Annual fee

Halos lahat ng credit card ay may annual fee o kaya naman ay membership fee upang mapahintulutang magamit ang credit card. Ito ay ang fee na babayaran kada taon para manatiling card holder.

Tingnang mabuti kung ang annual fee ay mas malaki kaysa sa rewards na makukuha mo sa paggamit ng credit card. Kung gayon, hindi ito sulit.

May mga credit cards na rin ngayon na waived ang annual fee for life o membership fee-free sila. Ang secondary credit card ko, na hindi ko pa nagagamit ever, ay walang annual membership fee.

Introductory annual fee

May mga promo din ang mga credit card na free ang membership fee sa unang taon. Saka lang magkakaroon ng membership fee in the succeeding years.

Ang mga promo sa fees ay maaari ding discounted lang at hindi entirely free.

Balance transfer fee

Ito ang fee na babayaran mo sa credit card company na lilipatan mo ng credit card balance. Say may PhP100,000 ka na credit card balance kay credit card A at gusto mong ilipat ito kay credit card B dahil nag-ooffer ito ng mas mababang interest rate; i-check mo munang mabuti kasi usually may balance transfer fee si credit card B.

Cash advance fee

Ang cash advance fee naman ay ang babayaran mo kapag ginamit mo ang credit card mo para makakuha ng cash. Usually ito ay sa pamamagitan ng ATM machines o kaya naman ay over the counter.

Usually, napakataas ng cash advance fee na nagre-range sa 5% to 10% the moment na ilabas mo ang pera. Kaya huwag na huwag itong gagawin.

In my case, ni hindi ko na inalam ang ATM personal identification number (PIN) ng aking credit card kasi wala talaga akong balak magpa-dengoy ng mataas na cash advance fee.

Foreign transaction fee

Ang foreign transaction fee ay ang babayaran mo naman kung gagamitin mo ang credit card sa labas ng bansa kung saan mo kinuha ang credit card mo. This ranges from 0.5% to 2.5% of the amount transacted abroad.

Late payment fee

Kapag nakapagbayad ka ng minimum amount due pero hindi ka umabot sa due date, papatawan ka ng late payment fee.

Returned payment fee

Kapag nagbayad ka at gamit mo ay cheke tapos tumalbog ang cheke dahil sa may mali kang naisulat dito o kaya ay may erasure, papatawan ka ng returned payment fee.

Returned check fee

Ito naman ay fee na babayaran mo kung ang ginamit na pambayad ay tumalbog na cheke dahil sa kakulangan ng pera sa checking account mo o kaya naman ay sarado na ang checking account mo.

Penalty

Kapag naman late ka sa pagbabayad at hindi nakapagbayad maski minimum amount due, bukod sa late payment fee, papatawan ka pa ng credit card company ng penalty sa kabuuang balanse o outstanding credit card balance mo.

Expensive credit, use with caution

Sa dinami-dami ng nabanggit kong fees na maaaring i-charge sa iyo ng credit card, sana ay maging maingat ka sa paggamit nito.

Basahin ang mga sumusunod na articles para mas maliwanagan.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: