was successfully added to your cart.

Cart

Paano gumagana ang interest ng credit cards

By July 22, 2018 Loans

Marami ang umiiwas sa paggamit ng credit card dahil sa taas ng interest rate na ipinapataw nito. Ang interest ay perang ibinabayad sa bangko o credit card company dahil sa utang o kaya naman ay ipinagpapaliban ang pagbabayad sa iyong mga binili o purchases sa credit card.

Sa madaling salita, ito ay patong sa inutang mong pera.

Grace period

Pero ang hindi alam ng marami, maari kang hindi magbayad ng interest kung mababayaran mo ito sa tamang panahon. Karaniwang nagbibigay ng grace period ang mga credit card companies bago mo bayaran ang iyong mga ikinaskas.

Ang grace period ay ang panahon na ibinibigay sa iyo ng credit card company na nagsisimula sa credit card statement date hanggang sa due date ng pagbabayad.

Pay in full within grace period, no interest

Kapag binayaran mo ang lahat ng ikinaskas mo bago ang grace period, wala kang babayarang interest.

Pay partial payment only, pay interest

In contrast, kapag naman partial lang ang payment mo, ang balanse ay automatic na papatawan ng interest. Ang minimum amount due ang pinakamababa mong dapat bayaran sa credit card para makaiwas sa karagdagang fees and penalties.

14 days to 21 days grace period

Nagbibigay ang mga bangko o credit card company ng 14-21 days na grace period. In a sense, may “free” money ka from the date of purchase plus grace period.

(Read: Credit card billing cycle)

So kung sa simula ng billing cycle ka nagkaskas at 30 days ang billing cycle mo tapos 21 days naman ang grace period, you have 51 days of “interest-free” purchase.

Para mas maintindihan kung paano nagcocompute ng interest rates, basahin ang mga sumusunod:

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: