Kapag ikinaskas mo ang iyong credit card, ibig sabihin ay babayaran mo ito on a later date. Pero kailan ka magbabayad?
Para malaman ito, kailangan mong alamin kung gaano katagal ang iyong billing cycle. Kada cycle, susumahin lahat ng credit card company ang iyong mga pinamili at binayaran o lahat ng mga transactions at ito ay ipapadala nila sa pamamagitan ng bill o statement of account.
Hanapin sa iyong credit card statement ang billing cycle. Kung wala ito dito, tawagan ang iyong credit card company at magtanong dito.
Credit card statement
Kapag natanggap mo na ang iyong credit card statement, malalaman mo na kung ano ang iyong babayaran. May nakalagay doon na minimum amount due at total amount due.
Ang patakaran ko sa pagkakaroon ng credit card ay dapat may kakayahan kang bayaran ang buong statement balance para hindi magbayad ng mataas na interest.
(Read: Understanding minimum amount due)
Hindi mo kinakailangang hintayin ang credit card statement para bayaran ang iyong credit card. Kung gusto mo, maari mong bayaran ang credit card company agad-agad.
25 to 31 days billing cycle
Karaniwang 25 to 31 days ang billing cycle ng mga credit cards. Karamihan sa kanila ay 30 days. Pero para makasiguro, siyasatin ang iyong credit card statement o kaya tawagan ang credit card company.
Credit card balance
Nakalagay sa credit card statement mo ang iyong credit card balance. Ito ang halaga ng utang mo sa bangko o credit card company.