was successfully added to your cart.

Cart

Money management tips para sa mag-asawa upang magkaroon ng “happily ever after.”

Marami akong natanggap na tanong kamakailan tungkol sa paghawak ng pera ng mag-asawa. Marami dito ay personal pero ang laki ng kinalaman sa pera.

Hatian sa gastusin

Ang pinakamadalas na tanong sa akin ay kung paano daw ang paghahati sa gastusin ng pamilya. Maglalaan dapat ang bawat isa ng budget para sa emergency savings, daily needs at financial goals. Kung may matitira, may kalayaang gamitin ito sa anumang naisin nila para sa ikabubuti ng pamilya.

Para sa detalye kung paano ang paghahati ng gastusin, basahin ang article ko tungkol sa hatian ng gastusin ng magasawa. Maari niyong basahin ang article ko about this para makatulong sa paggawa ng financial plan.

Iisa ang income earner

Madalas ay hindi itinuturing na trabaho ang asawang natitira sa bahay upang gampanan ang mga trabahong bahay tulad ng pag-aalaga ng mga anak, pagsasaayos ng bahay at pagsuporta sa paghahanda ng nagta-trabahong asawa.

Ang housewife o househusband ay isang legitimate work. Malaking responsibilidad ang kanilang ginagawa kaya dapat ay i-recognize ito.

Kapag iisa lang ang nagta-trabaho, hahatiin sa dalawa ang kinikita ng nagta-trabaho o nagha-hanap buhay. Ibibigay ang isang bahagi sa asawang gumagawa ng gawaing bahay at ang natititrang bahagi naman sa nagta-trabaho.

Basahin ang article ko tungkol sa tamang paraan ng paghawak sa pera ng mag-asawa na iisa lang ang kumikita.

Kailan dapat bumukod

Para sa akin dapat nakahanda nang bumukod ang mag-asawa sa kanilang mga magulang bago pa sila magpakasal. Kaya kinakailangang pagplanuhan ito nang maaga.

Ang aking guideline ay maximum of three months lang makitira ang mag-asawa sa mga magulang. Privacy at ang pagtayo sa sariling paa ang dalawang pangunahing dahilan kaya kailangang bumukod.

Alamin ang iba ko pang tips kung paano bubukod ang mag-asawa sa article na ito.

Bukas na kominikasyon

Isang nakakatawang pangyayari. May housewife na sumulat sa akin at humingi ng payo sa kalagayan nilang mag-asawa sa pera. Makalipas ang ilang oras, may husband naman na sumulat sa akin.

Napansin kong halos parehas ang kanilang dinudulog sa akin. Nung tiningnan ko ang kanilang apelyido. Dinouble check ko ang kanilang profile, ayun magkasama sila sa picture.

Natawa na lamang ako. Marahil ay kapwa sila tagasubaybay ng mga videos at articles ko.

Ang payo ko lang ay sana subukan muna nating kausapin ang person involved nang masinsinan. Mas madaling malulutas ang mg suliranin sa ganitong paraan. Keep communication lines open.

vincerapisura.com


One Comment

  • Catherine Alejandro says:

    HI Vince! Thank you so much for sharing ur knowledge , it is a big help for me on how to save money and invest it In a right way. God Bless u qlways!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: