Perpetual o wala nang katapusan ang corporate term o buhay ng mga korporasyon sa Pilipinas. Ito ay matapos maisabatas ang Revised Corporate Code (RCC).
Matatandaang sa lumang corporate code, binibigyan lamang ng 50 taong buhay ang basat korporasyon na rehistrado sa Securities and Exchange Commission sa Pilipinas
Nagbibigay ng long-term focus ang pagbibigay ng perpetual corporate term
Nakasulat sa Paragraph 2, Section 11 ng RCC na ang mga certificates of authority na ibinigay bago ang effectivity nito at ang mga korporasyong ito ay patuloy na nabubuhay pa, ay binibigyan na din ng perpetual term. Automatic itong iginagawad na wala nang kailangang gawin ang korporasyon.
Hindi na rin kinakailangan magbigay ng notice sa SEC ang mga korporasyon upang ma-enjoy ang perpetual corporate term nito. Ito ay isa sa mga pagbabagong ginagawa ng gobyerno upang paigtingin ang ease of doing business sa Pilipinas.
Si Senator Franklin Drilon ang principal author and sponsor ng Revised Corporate Code na naisabatas noong March 2019.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management