was successfully added to your cart.

Cart

Mga taong magaling magpapayag nang sapilitan at paano sila maiiwasan

By September 5, 2017 Financial behavior

Walang maloloko kung walang magpapaloko. Iyan ang isang sikat na kasabihan nating mga Filipino. Itong article na ito ay dedicated para malaman natin kung paano tayo makakaiwas sa panghuhuthot ng mga manloloko.

Bully

Ang mga bully ay mga mapang-api at gumagamit sila ng lakas o impluwensiya para manakot at makuha ang kanilang kagustuhan. Kung ikaw ay ginamitan ng pananakot para magbigay ng financial favors, ito ay financial bullying.

Ang pinakamainam na panlaban dito ay gumamit ng tapang at lumaban sa bully. Hindi kinakailangang pisikal ang laban kundi sa paninidigan. Nasa sa iyo pa rin ang pera kaya nasa iyo ang kapangyarihang i-control ito. Huwag bibigay.

Ipagibigay alam sa mga kapamilya, kaibigan o ka-trabaho ang ginawang bullying sa iyo para ito ay matigil.

Reklamador or whiner

Ang mga reklamador ay whiners. Sila yung mga taong mabalis pa sa alas kuwatro kung umatungal. Ginagamit nila ang pagrereklamo para makuha nila ang gusto nila sa iyo.

Ang mga mahihina ang loob ay karaniwang bibigay para tumigil ang mga reklamador. Hindi dapat ito gagawin kasi gastos ang labas nito.

Ang panlaban ko sa mga reklamador ay ganito, hinahanapan ko mismo ng solusyon galing sa reklamador ang sagot sa problema. Kung wala silang cost-effective na solusyon sa problema, sinasabihan ko na ang status quo pa rin ang pinaka-efficient.

Saka na niya ako kausapin ulit kapag may cost-effective solution na siya sa problemang idinulog niya. Sa ganitong paraan we empower whiners to become solution providers.

Guilt Tripper

Ang taong ito ay mahilig mag-drama at mangonsensiya upang makuha nila ang gusto nila sa iyo. Ito yung mga magsisimula pa lang na makipagusap sa iyo ay umiiyak na.

Kapag ako ay kinakausap at dinadaan sa iyak, kung close kami ay sasamahan ko lang muna at makikinig. Uunawain ang sitwasyon pero hindi magbibigay ng pangako o commitment sa panahong iyon.

Emotionally charged kasi. Kapag wala nang emotions, doon kami maguusap para sa solusyon sa problema.

Kapag hindi naman kami close, blunt ako sa pagsasabi na tapusin muna ang pagiyak at akapag mahinahon na, saka ako kausapin ulit.   

                                                                                                                                                                          

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: