was successfully added to your cart.

Cart

Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Financial Success: Pagkabagabag o Guilt

By December 13, 2017 Financial behavior

Ang pakiramdam ng pagkabagabag o guilt ang karaniwan at pinakanapagsasamatalahang emosyon na nakasasagabal sa personal finance success. Binibigyang-kahulugan ito ng Oxford Dictionary bilang ang responsibilidad o pagsisisi sa isang nagawang  mali, krimen na maaaring totoo o nasa imahinasyon lamang.

Pakiramdam ito ng tao na pakiwari niyang responsible siya o may pananagutan sa isang pagkakamali o pag-aalinlangan ng iba lalo na ng miyembro ng pamilya o kaibigan. Napaka-irasyunal ng takot na nalilikha nito dahil sinisisi mo ang sarili sa isang pagkakamali na hindi mo naman ginawa.

Hindi magandang pakiramdam ang bagabag at karaniwang nauuwi sa hindi makatarungang financial behavior para maibsan o makabawi sa nararamdamang bagabag o guilt.

Pagkabagabag Kapag Hindi ka Nakatulong Financially

Lagi akong may nararamdamang pagkabagabag o guilt. Naaalala ko limang taon na ang nakalipas, humihingi ng pinansyal na tulong sa akin ang aking mga magulang.

Pinagbibigyan ko sila pamisan-minsan ngunit madalas ay hindi ko napagbibigyan ang kanilang kahilingan.  Pinagsasabihan ako ng aking mga magulang na madamot o pusong bato.

Napakahirap ng mga panahong iyon para sa akin.

 

Hindi laging pera ang solusyon sa mga problemang pinansyal.  Hindi pera ang makapag-aalis ng mga problemang pampinansyal kundi ang pagbabago sa pagtingin ng tao at pagbabago sa kanyang lifestyle.

Ito ang mahirap maunawaan ng aking mga magulang. Mahirap din ito para sa akin dahil alam kong may kakayanan akong tulungan sila pero alam kong hindi pera ang laging sagot sa kanilang problema.

Iniisip ng mga taong may pinansyal na pangangailangan na ang mga may kakayanang pinansyal ay hindi mahihirapang tumanggi sa kanilang kahilingan dahil hindi naman problema sa mga ito ang pera.

Wala itong katotohanan.

Masakit sa aking makita ang aking mga magulang na nahihirapan sa kanilang pinansya habang pinagdesisyunan kong lumayo.  Masakit tumanggi sa kanilang kahilingan.

Ang nakatulong sa akin para malampasan ang ganitong karanasan ay ang kaalaman na gusto ko lamang maibigay kung ano ang makabubuti sa kanila.  Wala akong hangaring masama at hindi lang pera ang solusyon sa kanilang pinansyal na problema.

Mayroon kaming maunlad na furniture business ng aking mga magulang noong huling bahagi ng 1990s. Sa kasawiampalad, tinamaan ito ng Asian financial crisis.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: