was successfully added to your cart.

Cart

Mga dapat ihanda bago mag-invest sa stock market

 

Marami ang mausisa at nae-enganya sa stock market ngayon dahil sa bali-balitang madaling kumita sa pamamagitan nito. Ang hindi din alam ng marami na ang stock market ay isang mapanganib na paraan ng pagi-invest kung hindi mo alam ang pinapasok mo.

Financial plan

Hindi sapat na gusto mo lang humanap ng paraan para kumita ang iyong pera bilang dahilan ng pagpasok sa stock market. Kinakailangang alam mo kung bakit ka nagi-inivest (investment purpose) sa stock market.

Halimbawa, ang investment purpose ay para sa pagpapaaral sa iyong mga anak pagtungtong nila sa kolehiyo. Maatim mo bang isugal ito sa pagtaas at pagbaba ng stock market?

Maaring may mas mabuting investment product para sa investment purpose na ito. Makakatulong dito ang financial plan.

Paano gumawa ng financial plan

Emergency savings

Kung wala ka pang emergency savings na katumbas ng siyam na buwang gastusin, para sa akin, hindi ka pa handa para sa stock market. Nauuna kasi ang savings discipline na dine-develop bago ang investment discipline.

Maging bihasa muna sa pagse-save. Malalaman mong bihasa ka na sa pagse-save kung hindi ka na nahihirapang gawin ito. Kailangan pa nang maraming practice kung sa pakiramdam mo ay parusa ang pagse-save.

Government-mandated benefits

Kinakailangang meron ka ding basic investments galing sa mandatory benefits and requirements na isinasaad ng batas – SSS, Pag-IBIG at PhilHealth. Ito ay mga programa ng gobyerno na hindi lamang nakakatulong sa iyo kundi sa sambayanan.

Kahit hindi sapat, malaki ang returns na makukuha sa contribution sa SSS pagdating ng retirment. Mataas din ang nakukuhang dibidendo sa savings Pag-IBIG kumpara sa ibang mga savings product. Malaking porsyento din ang naitutulong ng PhilHealth sa medical expenses kung ikukumpara sa ibinayad na premium kung sa commercial insurance companies kukuha.

Dapat ba akong kumuha ng SSS?

Insurance

Kinakailangan ding may sapat ka nang insurance protection bago mag-invest sa stock market. Kung wala kang dependents, medical at health insurance ang unahin na kunin. Ang mga may dependents naman kinakailangang kumuha ng life insurance at health insurance.

Sa aking opinion ang life insurance na kailangan ay katumbas ng 10 taong kita at sa medical insurance naman ay katumbas ng isang taong kita.

Hindi dapat lalagpas sa 5% ng buwanang kita ang ibinabayad sa insurance premium.

No bad debt

Ang utang dapat ginagamit sa mga bagay na kumikita lamang. Umiwas tayo ng gamit nito kung hindi naman kikita ang paglalaanan. Ang tawag ko dito ay bad debt.

Good debt naman kapag ginamit ang utang sa isang bagay na may kita.

Gamiting pambayad sa bad debt ang pera imbes na gamitin ito pang-invest sa stock market. Ipinagbabawal ko din ang paggamit ng utang para may pang-invest sa stock market. Mapanganib ito lalo na sa mga nagsisimula pa lang.

Pooled Funds

Ang pooled funds ay basked ng iba’t ibang klase ng investments na mabibili sa commerical banks (UITF) at sa investment companies (mutual funds). Bago magpunta sa stock market, unahin muna ang mga pooled funds.

Mas mababa ang risk sa mga pooled funds dahil hindi iisang stock ang nabibili mo kundi marami. Maliit din ang kinakailangang kapital para magsimula dito.

May mga professional managers din na nagpapalakad sa mga pooled funds. Karaniwan ay bihasa sila sa kanilang ginagawa at may mga sinusunod silang maayos na panuntunan.

Read books and attend trainings

Bago pumasok o sumubok sa isang investment, kinakailangang muna nating dagdagan ang ating kaalaman at kakayahan tungkol dito. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagababasa ng libro at pagdalo sa mga trainings.

Naiinitindihan mo ba ang mga sumusunod: averaging down, bear market, beta, blue chip stocks, bull market, broker, day trading, dividend, exchange, execution, hedge, index, initial public offering, margin, moving average, order, portfolio, quote, rally, sector, spread, stock symbol, volatility, volume at yield?

Kung hindi, marami ka pang dapat matutunan sa stock market at ang mga binanggit ko ay mga simpleng termino pa lamang. Kinakailangang maintindihan ang mga technical terms na ginagamit sa stock market bago pumasok dito.

Kung susundin ang aking mga inilahad sa itaas, tiyak kong mas handa kayong sasabak sa stock market.

vincerapisura.com


10 Comments

  • Sir Vince,Thank you very much to all these informations.I am not familiar with insurances yet.I want to ask you about the life Insurance which ideally is equialent to 10 years na kita(ito po ba yung dapat piliing amount if you are going to choose a plan?or the value receivable by my beneficiary if something happened to me?

  • Evangelina says:

    Salamat po sir vince,i ‘ll to ibalik ang pagibig ko
    Meron kasi ako noon but dahil umalis ako ng basa natin sss
    Na lang ang ipingpatuloy ko kasi dito sa abroad meron din kaming binabayaran na life insurance at mutual .

  • Maria Andes Tejereso-Caspe says:

    Many thanks sir Vince for these infos in Stock Market. Im now completing my 20 years SSS and still paying for my healthcare.
    Iwould like to retire at age 65 which is 7 years from now. I would like to invest in stock so i will be complying the other prerequisite before doing so. More Power and God bless!

  • Lee says:

    With regards po sa insurance na hindi dpat lalagpas sa 5% ng monthly income ang binabayad. Both health and life insurance na po ba ito?

  • ven says:

    Sir Vince, I was starting investing in stock market and i want to invest regularly and invest for a long term for around 5k per month and the purpose of this is for my early retirement. Is this advisable? Kindly advise.

  • Charnelle Timbangcaya says:

    Hello Sir Vince, thank you sa very useful tips na to. I am also interested in stock trading pero kailangan ko pa ma-meet ang guidelines above. I have question lang po sa isang klase ng investment, which is ung pag invest sa UITF NAVpu. What could be the difference nito sa usual UITF? I hope magkaroon kayo ng other articles regarding other means of investment. Salamat! Regards

  • Ging says:

    Hi Vince,
    Thank you for sharing this. Very informative!
    Marami sa pinoy walang savings… Kaya sa panahon ng krisis, super hirap mag cope, with this knowledge, napaghahadaa ang tagulan

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: