was successfully added to your cart.

Cart

May “K” ka ba magpautang?

Usapang Pera Season 3 Episode 3

Kung magpapautang, dapat may kakayan kang maningil. Hindi sapat ang awa at tiwala ang gamit sa pagpapautang. 

—–

Sir Vince: Na-nasubukan mo na bang magpautang?

Atom: Yes.

Sir Vince: Nabayaran ka ba?

Atom: Yes. Hindi pa.

Sir Vince: Friends pa rin ba kayo nito?

Atom: Friends pa rin. Friends pa rin naman kami. Unang-una, ‘yung mga pinapautang ko before… ang rule ko, dapat ‘yung perang ilalabas ko, kayang mawala. Hindi ko na kailangang makuha. 

Sir Vince: Aaahh. Right.

Atom: I mean, masakit siya pero para hindi naman ako mawawalan ng tahanan.

Sir Vince: Oo.

Atom: Or hindi naman kami mag-aaway dahil ‘don.

Sir Vince: Right. So, nag-set ka ng limit?

Atom: Nag-set ako ng limit.

Sir Vince: Na hanggang dito, pwede. May dalawang dahilan, typically, kung bakit tayo nagpapautang. Number one ay para tayo ay tumulong. At ‘yung pangalawa naman para kumita pero, ang hindi alam ng marami ay meron ba silang kakayahang magpautang? O dapat ba silang nagpapautang?

Atom: Yon, ang tanong. Paano ko malalaman kung may “K”…

Sir Vince: Right.

Atom: May karapatan na akong magpautang?

Sir Vince: May “K” ka bang magpautang? Kailangan may financial plan, sapat na insurance coverage, sapat na emergency savings, tamang net worth, walang bad debt o consumer debt, at higit sa lahat, kayang maningil. 

Sir Vince: So, una ay, dapat meron ka munang financial plan. Okay? So wala kang financial plan, wala kang patunguhan sa buhay mo financially, wala kang karapatang magpautang.

Sir Vince: The second one is dapat meron kang sapat na insurance coverage. At magkano ba ‘yung sapat na insurance coverage? ‘Pag ikaw ay may dependents, that is equivalent life insurance mo dapat is ten times your annual salary. ‘Yun ‘yung coverage. Kung hindi sapat ‘yung insurance mo, walang kang karapatang magpautang. Okay.

Sir Vince: Number three, dapat meron ka ring emergency savings. So, hindi pupwedeng ‘yung ipapautang mo ay galing sa emergency fund mo. Kasi pano kung may sa iyo may mangyari? Di ikaw naman ‘yung mangungutang.

Sir Vince: The fourth one ay hindi ka rin dapat baon sa utang. Wala kang consumer debt. Ano ‘yung consumer debt? Ito ‘yung mga utang na ah pinaggamitan mo ay di kumikita. For example, damit, bakasyon, gadgets, ganyan. Okay.

Sir Vince: And the last one, at ito ‘yung pinakamahalaga, Atom, dapat may kakayahan kang maningil.

Atom: Yun ang pinakamahirap sa lahat lalo na para sa mga Pinoy.

Sir Vince: Oo.

Sir Vince: Hindi sapat na awa at tiwala ang gamit sa pagpapautang.

Sir Vince: Oo. Kasi emotionally-involved tayo diba at nahihiya kang maningil, ganyan. At ang sa totoo lang, ang responsibilidad ng paniningil ay nasa nagpapautang. Kasi uh ineexplain ko ‘yan typically noh. Kapag ang isang tao walang utang, nagsisimula ‘yan malamang sa zero. Pinautang mo, hindi nakabayad, negative na siya. So, poorer na siya dahil sa ibinigay mong utang, na hindi niya nabayaran. 

Sir Vince: Marami sa atin ang gustong yumaman agad dahil sa hirap ng buhay pero para sa akin, ang pinakamabilis pa rin na paraan sa pagyaman ay kung magdadahan-dahan.

Atom: Kaya maiging paghandaan ang ating hinaharap sa pamamagitan ng dagdag kaalaman sa pag-iipon, tamang pangungutang, at pag-iinvest. Ako si Atom Araullo.

Sir Vince: Ako naman si Sir Vince nagsasabing…

Sir Vince and Atom: Ang pagyaman, napag-aaralan.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: