Magbukas ng iba’t-ibang klaseng investment vehicles ayon sa kakayahan at pangangailangan
Kapag lubusan mo nang napag-aralan ang nais mong pasukin na investment vehicle, panahon na para magbukas ng mga investment accounts para dito.
- Paano magbukas ng time deposit?
- Paano bumili ng bonds?
- Paano magbukas ng UITF account?
- Paano magbukas ng mutual fund account?
- Paano magbukas ng PERA?
Maari ka ding magbukas ng negosyo. Inilahad ko sa “Paano magsimula ng isang negosyo?” ang mga dapat isaalang-alang kung balak magtayo ng isa.
Kung nais mo namang magtayo ng rental business, isinulat ko na din ang “Paano gumawa ng market research kung balak magpatayo ng rental porperty.”
Pumili ng agent o broker na kapakanan mo ang inuuna
Mapa-insurance man o investment, kakailanganin mo ng agents brokers na kakatawan sa iyo. Laging tandaan na kinakailangang ang kapakanan mo bilang kliyente ang nangunguna sa listahan ng priority, hindi ang commission na kikitain nila.
Malalaman mo kung kapakanan mo ang isinasa-alang-alang ng agent o broker mo kung binibigyan ka niya ng maraming options o pagpipilian. Hindi lamang niya inilalahad ang mga advanatages at benefits ng mga produkto kundi ang mga disadvantages din nito.
Kinikilala ka nang mabuti ng iyong agent o broker dahil sa ganitong paraan lang mako-customize ang mga fnancial products and services na kakailanganin mo. Gumagamit siya ng iba pang mga tools na labas sa standardized forms or tools na binibigay ng kumpaniya sa kaniya upang malaman nang mas objective ang mga pangangailangan mo.
Maalam din dapat ang iyong agent o broker. Karaniwang palatandaan ko nito kung sila ay gumagamit ng materyales na labas sa kanilang kumpaniya. Ibig sabihin kasi nito ang loyalty nila ay nasa kapakanan ng kliyente at hindi sa kumpaniyang pinagta-trabahuhan nila.
Mas maigi pa kung ang agent o broker ay mismong gumagawa din ng BTID. Katulad ng insurance agent ko, BTID ang gamit niya at siya din ay licensed financial advisor, labas sa insurance company na pinagta-trabahuhan niya, na BTID ang isinusulong.
Kinakailangang professional ang pakikitungo ng iyong agent o broker sa iyo. Dumarating siya nang tama sa oras na pinag-usapan. Sumasagot siya sa email, text o tawag mo within reasonable time. Siya din ang nagbabayad ng kape o meryenda niya kapag kayo ay nagkikita, hindi kargo sa iyo.
Mga mumunting palatandaan ito kung ang agent o broker mo ay talagang kapakanan mo ang nauuna. Tandaan na ang taong napagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ay ganoon din sa malalaking bagay.
Higit sa lahat, iwasan na may emotional attachment ka sa iyong agent o broker. Umiwas na kamag-anak o kaibigan ang mga ito dahil nahahaluan ng emosyon ang pagbili mo at pagtangkilik sa kanila.
Kapag may emotional attachment na ganito, mahihirapan kang mag-desisyon dahil isinasa-alang-alang mo ang kanilang kabuhayan o ang maari nilang maramdaman kung tumanggi ka. Ang dahilan ng pagbili mo ng financial product or services ay nakabase sa pangangailangan mong nakasaad sa iyong financial plan, hindi ang relasyon mo sa kanila.
In summary, narito ang mga steps para sa BTID:
- Sumulat ng financial plan
- Bumili ng term life insurance
- Pag-aralan ang mga investment vehicles
- Magbukas ng iba’t-ibang klaseng investment vehicles ayon sa kakayahan at pangangailangan
- Pumili ng agent o broker na kapakanan mo ang inuuna