Usapang Pera Season 2 Episode 4
“Ikaw, may balak ka ba na magtayo ng business?”
“Ako, may balak ako ha!”
“Uumm Hhmm…”
“Pero ang problema lang sa akin ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang itatayo ko pero of course, twenty-eight years old na ako. Iniisip ko, tumatanda na ako. Ayoko naman at the end of the day, kumakayod ako ng kumakayod sa trabaho. Gusto ko, at the moment na umiikot ang negosyo ko, nakaupo na lang ako. Inaasikaso ko na lang negosyo… yung ganun.”
“Right.”
“Ayoko yung tipong… maramdaman ko na it’s about time na ako na yung maging boss.”
“Oo.”
“Pag papasok ka sa negosyo, ang gagawin mo ay kailangan pag-aralan mo itong mabuti at paghandaan mo ‘no. So, gusto ko yung sinasabi mo na, “Hindi ko pa alam eh kung ano yung ngayon…”so, ang gagawin mo, paghahandaan mo yan at pagpaplanuhan.”
“Uumm Uumm.”
“How about sa investments? Nasubukan mo na bang mag-invest?”
“Oo!”
“Mmhhmm. Ano?”
“Ano, bumili ako ng condominium. Investment ba yun? Tama ba ako?”
“Well, ang investment ay dapat merong pumapasok na pera. Kumikita ka ba sa condominium mo?”
“Ay, ganun ba yun!? Mali pala ako! Ano ba yun!?”
“Hindi. Depende naman siya. Kung need siya at tinitirhan mo siya, hindi siya investment, technically.”
“Talaga?”
“Oo.”
“O, di tinitirahan ko tapos paparentahan ko. O, investment yun?”
“Yan! Magiging investment!”
“O, meron din ako sa probinsya binili ko, gagawin ko pa lang siya pero gagawin ko siyang boarding house. O, investment yun?”
“Yes!”
“Saktrue!”
“Yes! Very good! Oo! At syempre, kapag investment pag-uusapan, dapat iiwas tayo sa scam.”
“Ay, naku! I-kwento mo sa akin ang scam. Natatakot ako sa word na scam ah.”
“Basta kapag masyado ng malaki yung ibinibigay sayo na kita, naku, tumakbo ka na kasi nakakatakot yun ‘no.”
“Meron din akong nalaman pala sayo Sinon ‘no…”
“Ano ‘to?”
“Na alam ko na kumikita ka na ngayon ganyan pero ang sabi ay meron ka rin daw ginagawang kawanggawa.”
“Ay!! Ayoko na!! Ayoko kasi paiiyakin mo na naman ako!”
“Hindi kita paiiyakin! So, anong kawanggawa yung ginagawa mo?”
“Parang sarili kong charity. Ganito kasi ako… pag naglalakad ako sa kalye tapos may nakita akong pamilya or isang mga bata naglalaro na alam kong wala silang pagkain, namamalimos. May moment kasi na nararamdaman ko na kailangan nila ang isang tulong na kagaya ko.”
“Mmhhmm.”
“Kasi, itong mga taong ‘to, ako ito dati.”
“Nakaka-relate ka?”
“Na-relate ko sila.”
“Nung hindi ka pa Catwalk King, okay, papano ka gumagawa ng kawanggawa?”
“Ganon pa rin. Walang nagbago.”
“Oo.”
“The same pa rin ang pagtulong ko sa kanila. Ngayon nga lang, mas napadami kasi mas napadami ang grasya.”
“Hindi ba matuturing yung ano, kunwari, may mga mahihirap na nakikiramay ka lang sa kanila… nakikipagkwentuhan… nakikihalubilo ka sa kanila at kunwari, ang tulong na ibibigay mo ay hindi sa finance ‘no. Pwedeng advice, pwede rin yan na ipakilala mo sila sa mga taong mas financially na nakakatulong, pwede pa rin ba yun? Maraming tao, nakokonsensya na kahit walang-wala sila ay nagbibigay pa rin ng kawanggawa.”
“Sa kawanggawa, magbigay ng non-financial services or acts of kindness kapag hindi pa tayo financially stable. Kapag financially stable na tayo, then we can give as much as we can. Sky is the limit.”
“Sir Vince ha, andami kong natututunan sayo ha!”
“Of course!”
“Naku, pag ako hindi magsuper rich nito pinaggagagawa ko… naku, nakikinig talaga ako…”
“Ay, naku!”
“Nilalagay ko yan lahat sa puso ko kasi gagawin ko yan in the future!”
“Lahat tayo ay dumadaan sa mga pagsubok sa buhay at minsan nawawalan ng pag-asa.”
“Ngunit kailangan nating magpakatatag at lumaban para malampasan ang bawat pagsubok ng ating buhay. Ako nga pala si Sinon Loresca.”
“Ako naman si Sir Vince nagsasabing…”
“Ang pagyaman, napag-aaralan.”