was successfully added to your cart.

Cart

Kailan puwede ma-withdraw ang Pag-IBIG contribution?

By July 12, 2018 Pag-IBIG, Savings

Karaniwang tanong sa akin ay maibabalik daw ba ang mga Pag-IBIG contributions na kinaltas sa suweldo nila.

Ang sagot ay, oo.

Voluntary membership

Ang Pag-IBIG ay ang national saving program ng gobyerno, so technically, depositors tayo dito pero hindi ito bangko. May dalawang savings program ang Pag-IBIG – Pag-IBIG Savings I at Modified Pag-IBIG Savings 2.

Voluntary ang pagiging miyembro sa Pag-IBIG Savings I pero mandatory ito sa mga empleyado. Para naman maging miyembro ng MP2, kailangang munang maging miyembro ng Pag-IBIG Savings I.

Long term savings

Technically, 20 years ang term ng Pag-IBIG Savings I. Five years naman ang term ng MP2. Kaya dapat ituring na long term investment ang mga ito dahil hindi basta-basta mawi-withdraw.

Puwede ma-withdraw ang MP2 before five years with the following circumstances:

  • Total disability or insanity
  • Natanggal sa trabaho dahil sa pagkakasakit – separation from work by reason of health
  • Kamatayan

Sa Pag-IBIG Savings I naman, ito ang mga allowed events for withdrawal

  • Pagkatapos ng 20 years membership maturity at may at least 240 monthly contributions
  • Retirement sa edad na 60 (optional) at 65 (mandatory)
  • Natanggal sa trabaho dahil sa pagkakasakit – separation from work by reason of health
  • Permanenteng pag-alis sa Pilipinas
  • Permanent total disability or insanity
  • Kamatayan kung saan ibibigay ang kabuuang total accumulated value sa mga tagapagmana na may kasamang death benefit

Suportahan ang Pag-IBIG

Para sa akin, mas magandang dagdagan pa ang savings sa Pag-IBIG at ituring itong long term investment. Mahirap makahanap ngayon ng produktong nakapagbibigay ng mataas na kita, tax-free at 100% guaranteed pa ng government.

Higit sa lahat, nakakatulong ka pang palaguin ang pondong ginagamit ng gobyerno upang lutasin ang backlog natin sa pabahay.

 

vincerapisura.com


8 Comments

  • Marilyn says:

    Hello po, almost 20 years na po akong nag work and I am 45 now…hindi na po ako nag work since I resigned last year. Pwede ko po ba ma lum sum na ang contribution ko?

  • Rodil Espeno says:

    Sir vince natigil n po aq sa work at upon verification sa pag ibig ay meron p lang aq 79 monthly contribution.makukuha q p po ba contribution q.55 yrs old pa lang po aq.

  • Maricar Baynosa says:

    Tanong ko lng po ngwork po ako all most 10years tpos po ng resign n ako di npo ako ngwork ulit.pwed ko po mkuha lhat ng ncontribute ko?salamat

  • Crisanta esteves says:

    If magresign po ako from my current work pwede pa ba Kong mag avail NG housing loan through pag ibig.. .How about the requirements needed which came from work or company either if there’s a possibility to approve my application

  • Dorothy says:

    hello sir vince ask ko lang po…Govt.employee ako ing sabihin po pag naka20 yrs na ko sa paghuhulog pwede na iwithdraw ang pera kahit hindi pa ko 60yrs old?

  • arthur says:

    anu po mangyayari sa mga naihulog kung hindi po umabot sa 240 contributions at nasa edad 60yo napo? ma wiwidraw parin po ba ito?

    • Vincent Rapisura says:

      yes. may total accumulated value po yan. pumunta po kayo sa Pag-IBIG office dahil puwede niyo na pong makuha ang lahat ng mga inihulog ninyo pati na rin ang dibidendo at counterpart ng employer kung meron.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: