was successfully added to your cart.

Cart

Kailan dapat gamitin ang loan para sa negosyo

By April 5, 2018 Business, Loans

Maraming nagtatanong sa akin kung advisable bang kumuha ng loan para sa negosyo.

100% used for business

Kailangan nating linawin na ang utang para sa negosyo ay dapat 100% mapupunta sa negosyo at hindi sa personal na gastusin. May mga umuutang kasi na pang-negosyo daw pero sa totoo lang may pera namang puwedeng gamitin, yun nga lang may pinaglalaanan sila ditong iba.

Dapat ding alamin kung ang negosyo ay nasa start up stage, expansion stage o kaya naman ay mature stage.

Kung nagbabalak gumamit ng utang upang magsimula ng negosyo, mas maiging umiwas na gumamit ng loan upang ito ay masimulan. Ibayong pagpaplano ang kailangang upang paghandaan ang negosyo at ang kapital na kakailanganin para dito.

Pag-ipunan ang puhunan

Gumamit ng savings kung ang negosyo ay itatayo pa lang. Gamitin din ang oras habang nag-iipon, sa paggawa ng business plan at market research nang sa gayon ay maging handa sa pagbubukas ng negosyo at mapag-aaralan ang mga kaakibat na risks o panganib ng pinapasok na negosyo.

Imbes na utang, kumuha ng kasosyo o investors

Tumawag ng mga kasosyo o investors na maaring magbigay ng kapital sakaling malaki ang kakailanganing puhunan para sa negosyo. Siguraduhin lang na malinaw ang usapan at ito ay masusulat sa kontrata upang maprotektahan ang kapakanan ng bawat isa.

Magtrabaho sa similar industry

Maari ding mag-trabaho muna para makapag-ipon sa negosyong binabalak. Katulad ng maraming OFW, ito ang ginagawa nila. Nagtatrabaho muna sa abroad para makapag-ipon ng kapital ng itatayong negosyo sa Pilipinas.

Iminumungkahi ko na piliin ang trabahong malapit sa binabalak na itayong negosyo. Sa ganitong paraan, malalaman ang pasikot-sikot ng negsoyo – ang marketing, supply chain management, pagasikaso sa mga empleyado at pagba-budget. Tila magiging apprentice sa pinagtatrabahuhan sa ganitong estratehiya.

Loans for expansion

Mas nararapat na gamitin ang loan kung handa sa expansion ang negosyo. Ibig sabihin kasi nito may sapat nang track record ang negosyo at may sapat na ring kaalaman sa pamamalakad ang negosyante. May mga nalampasan na ring silang pagsubok na nagpatatag sa kanilang business model.

Sa expansion kasi, naipakita na ng negosyo na kumukita ito at kung mabibigyan ng karagdagang puhunan ay masusunggaban nito ang opportunity na mapalaki pa ang negosyo. Bagay na hindi pa naipapakita ng isang start up business.

Para naman sa mga negosyong nasa mature stage na, alam na alam na nila kung kailan kukuha ng loan at kung magkano upang mapanatiling kumikita ito. Sa aking opinyon, pinakamaganda pa ring sariling pera ang gamit upang payapa ang pagtulog sa gabi.

Basahin ang “Gaano kalaki ang kaya mong utangin at bayaran,” makakatulong ito sa iyo bilang gabay sa pangungutang. Maari mo ring tingnan ang “Anong negosyo ang masisimulan sa maliit na kapital?” at “Paano magsimula ng negosyo?” para magbigay ng gabay sa iyo sa pagtatayo ng nagosyo.

Kung kulang ang oras sa pagbabasa, panoorin ang video namin ni Nicole sa pagtatayo ng negosyo.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: