Ang paluwagan ay isa sa mga taal na pamamaraan nating mga Filipino sa pag-iipon. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang grupo at bawat miyembro ng grupo ay magbibigay ng hulog o ipon sa takdang panahon.
Isa-isang sasahod ang bawat ng miyembro ng grupo habang lumalakad ang panahon. Karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng palabunutan kung sino ang unang sasahod sa kaniyang ipon.
Rotating Savings and Credit Associations (ROSCAs) ang tawag sa paluwagan at maging sa ibang kultura ay ginagawa din ito. Noong nagbibigay pa ako ng training sa mga empleyado ng Central Bank of Nigeria, nalaman ko na esusu ang tawag nila sa paluwagan
Narito ang ang aking guidelines sa pagsali sa paluwagan.
Piliin nang mabuti ang mga kasama
Tiwala ang pundasyon ng paluwagan. Ito ay tiwala sa bawat kasapi ng grupo na tutuparin niya ang kanilang pangako na magbibigay ng hulog sa napagkasunduang takdang panahon.
Karaniwang mga magkakaibigan at magkakatrabaho ang bumubuo ng paluwagan. Kung hindi maayos ang pagpili ng mga sumasali nito, maaring masira ang pagkakaibigan o kaya naman ay ang relasyon sa trabaho; kaya ibayong ingat ang dapat ang gagamitin sa pagpili ng makakasama dito.
(Read: Paano pumili ng kasosyo sa negosyo o business partner?)
Gaano na katagal ang paluwagan
Maganda ring sumali sa mga paluwagan na matagal nang nagsimula at patuloy pa ring gumagana. Ibig sabihin nito maganda ang pamamalakad sa paluwagan.
Alamin kung sino ang nagpapalakad at siyasatin kung sila ay mapagkakatiwalaan. Magsagawa ng background check sa mga nagpapalakad nito at maging sa mga miyembrong kasama nito.
Isang tao lang ang tumakbo at hindi mahulog ay malaking dagok na ito sa mga miyembro.
Kailangan ng reinforcement sa pag-iipon
Para sa mga taong hindi ba sanay mag-ipon ang paluwagan at kailangan ng reinforcement sa mga kaibigan, katrabaho o kakilala para mapuwersang magtabi at maghulog ng ipon. So kung gusto mong may magbabanatay sa iyo para maka-ipon, ang paluwagan ay isang mabisang paraan para sa iyo.
Magkaroon ng plano sa sasahurin
Ang pinakamahalaga sa pagsali sa paluwagan ay paglilinaw kung bakit ka sumasali dito. May mga sumasali dito dahil gustong makaipon para sa kanilang binabalak na bakasyon o bibilihing gadget.
Hindi naman ito masama pero mas maganda kung ang sasahurin ay gagamitin sa isang produktibong bagay. Alalahanin na sa paluwagan kapag ikaw ay isa sa mga unang sumahod at ikaw ay maghuhulog pa, para din itong utang.
Interesado ka ba sa paluwagan
Nag-iisip akong magkaroon ng paluwagan kung saan ito ay self-managed pero bubuo ako ng grupo para magkaroon ng reinforcement para masanay sa pag-iipon. Tinitingnan ko ding mag-disenyo ng mga incentives sa mga makakaabot ng kanilang mga savings goal.
Kung interesadong sumali, join me in my closed group “Self-Help Paluwagan Challenge.” I will only choose 100 people to join the group and I will be interacting with this group closely.