was successfully added to your cart.

Cart

External analysis ng political environment bilang source ng business opportunities

By August 18, 2017 Business

Ang external analysis ay bahagi ng strategic planning process upang makatulong sa pagpapatayo o pagpapalago ng negosyo. Tinitingnan nito ang mga external factors sa isang negosyo na nakaapekto sa market o customers.

May limang elemento ang external analysis para sa pagusisa ng business: political, economic, social, technological at competition.

Political

Ang external analysis sa political environment ay tumitingin sa pagbabago sa batas, administrasyon at kapayapaan ng isang lugar. Ang mga pagbabagong ito ay maaring pagmulan ng mga business opportunities.

Halimbawa, sa administratsyon ni Duterte, focus niya ang war on drugs. Ang mga business opportunities na maaring maitayo dahil dito ay ang mga sumusunod: (1) rehabilitation centers para sa mga drug addicts; (2) training institution para sa pagtuturo sa kabataan kung paano iiwasan ang droga; (3) substitute activities sa kabataas tulad ng sports at iba pang makabuluhang gawain upang maiiwas ang kabataan sa droga at marami pang iba.

Ito ang mga maaring tingnan sa external analysis sa political environment:

  • Mga kasalukuyang batas at mga maaring maging batas sa hinaharap
  • Mga bagong guidelines na inilalabas ng mga regulatory bodies tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Securities and Exchange Commission, Insurance Commission, Department of Trade and Industry at marami pang ahensiya ng gobyerno
  • Pagbabago ng administrasyon o mga nakaupo sa gobyerno
  • Mga patakaran at batas sa trade o pangangalakal
  • Mga lobbyist at pressure groups o yung may mga impluwensiya sa gobyerno o sa mga mambabatas
  • International trading agreements tulad ng sa ASEAN integration
  • Mga giyera at usaping pangkapayapaan

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: