Donating cash vs. goods
Mas maganda man ang pakiramdam ng pag-donate ng gamit o mag-volunteer, mas practical na mag-donate ng cash sa mga nasalanta.
Damit
Minsan, nagdo-donate ang mga tao na hindi iniisip kung ano talaga ang kailangan ng beneficiary. Nagbabawas sila ng kagamitan sa bahay at imbis na itapon ang mga hindi practical na bagay, naisip nila na ibigay na lang ito sa mga nasalanta.
Tandaan, ang goal ng pag-donate ay tulungan ang mga nangangailangan. Hindi nila kailangan ng pinaglumaan mong high heels.
Pagkain at Gamot
May expiry date ang pagkain at gamot. May chance na makakarating ang donasyon pagkalipas ng expiry date sa mga beneficiaries. Dagdag pa dito, mas mahirap i-transport ang goods lalo na kung malayo ang pinanggalingan. Kailangan ng sapat na laki ng vehicles para magawa ito ng maayos.
Walang expiry date ang pera. Mas madali itong i-transport papunta sa beneficiaries dahil pwede ito i-bank transfer at withdraw sa pinakamalapit na bangko. Hindi na kailangan gumamit ng sasakyan na babyahe pa ng malayo.
Cash at Empowerment
Malaki ang epekto ng kalamidad sa dignidad ng isang tao, lalo na kung sila ay nakaranas ng kawalan ng mahal sa buhay, kabuhayan, at ari-arian.
Kapag pera o cash ang ibinibigay sa mga biktima, nadadagdagan ang kanilang dignidad dahil nagkakaroon sila ng kapangyarihan mag desisyon kung saan nila ito gagastusin o gagamitin. Maaaring gamitin ito pambili ng pagkain, pang-ayos ng bahay, pambayad sa tuition fee, etc.
SAFER Foundation
Ang SAFER Foundation ay tumutulong sa pagdagdag ng dignidad sa mga nasalanta. Gamit ang public donations, ibinibigay nila ito sa mga nangangailangan.
Kung nais niyong magdonate sa SAFER, ito ang mga detalye:
Donate online: bit.ly/saferph
Bank Deposit: Bank of the Philippine Islands
Branch: Loyola Heights, Katipunan Avenue
Account Name: Shared Aid Fund for Emergency Response, Inc.
Account Number: 3081-1194-21
For confirmation of your donation, kindly send your deposit slip to saferphilippines@gmail.com
For corporate partnerships, email saferphilippines@gmail.com
Connect with SAFER Philippines
www.safer.org.ph
www.instagram.com/saferphilippines
Ang challenge ko sa inyo ngayon ay mamili kayo kung ano ang mas maganda: feel good donation or practical donation. Ano sa tingin niyo ang mas makabubuti sa inyong kapwa Filipino? Let’s help build a SAFER Philippines.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management