Kapag nag-umpisa ka nang gumamit ng credit card, isa sa mga dapat mong isaalang-alang ay ang minimum amount due. Ang minimum amount due ay ang minimum payment o pinakamaliit na puwede mong bayaran sa credit card na nakalagay sa iyong credit card statement.
(Read: Paano gamitin ang credit card nang tama para sulit)
Percentage of total amount
Ang total amount due ay ang kabuuan ng pagkakautang mo sa credit card company na nakabatay sa mga ikinaskas mo sa nakapaloob na billing cycle. Kung may installment payment ka, idadagdag din ang karampatang installment due sa iyong total amount due.
Nakabatay sa total amount due ang minimum amount due which is typically equivalent to about 3% to 5% of the total amount due.
(Read: Ok ba magka-credit card?)
No penalty charge, with interest charges
Hindi ka papatawan ng penalty charge ng credit card company pero hindi nangangahulugang walang interest ang natititra mong balanse. Aandar pa din ang interest at ito ay maidadagdag sa total amount due mo sa susunod na billing cycle.
Anong mangyayari kung hindi mababayaran ang minimum amount due?
Kinakailangang bayaran ang minimum amount due sa payment due date. Kung hindi mo ito mababayaran, papatawan ka na ng penalty o kaya naman ay late fee ng credit card company. Babawiin din nito ang anumang promotional interest rate na ibingay nila sa iyo.
May mga credit cards na kapag lumipas na ang 60 days na hindi ka nakakabayad ng minimum due ay itinataas nila ang interest rate mo. Kaya magandang basahin nang mabuti ang fine prints at terms and conditions ng iyong credit card.
Dahil may credit bureau na ring naitatag, i-rereport din ng credit card company ang iyong missed payment dito makalipas ang 60 hanggang 90 days. Dahil dito bababa ang iyong credit score.
Pay the total amount due
Nauna ko nang nasabi na ang total amount due dapat ang binabayaran kapag gumagamit ng credit card. Kung minimum lang ang kaya mo, you are far from qualifed to get a credit card.
Matatagalan kang bayaran ang utang mo sa credit card kung minimum due lang ang gagamitin mo at ito rin ang pinakamahal na paraan para bayaran ito. Sa karamihan, kung minimum amount due lang ang binabayaran, mas lumalaki pa ang total amount due mo kada buwan kaysa ito ay mabawasan.
Kaya mag-ingat nang mabuti sa paggamit ng credit card.
Other readings:
- Ok ba gamitin ang salary loan pambayad sa credit card?
- Gabay sa pagkuha ng 0% interest promotion sa credit card