You can’t please everyone

Tannggapin na hindi mo mapapasaya ang lahat at hindi ka magugustuhan ng lahat. Tingnan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, napakaganda na niya pero may mga tao pa ring hindi siya gusto.

May mga bashers siya. Tayo pa kaya?

Huwag damdamin kung biglang mananamlay ang pakikitungo sa iyo ng mga tao matapos mo silang tanggihan. Baka ng amas makabubuti ito dahil ngayon kilala mo na ang pagkatao nila at turing nila sa iyo.

Saying yes is more costly or impractical

Siguraduhing may mabuting dahilan ang pagtanggi mo.

Halimbawa, hindi ka nagpautang dahil ang pera ay nakalaan sa masa mahalagang bagay –pagpapaaral ng anak mo. Hindi ka sasama sa bakasyon sa Boracay dahil gusto mong makapiling ang may sakit mong ina.

Communicate with respect

Sabi nga nila, it’s not what you say but how you say that matters. Panatilihing mahinahon at puno ng respeto ang pakikipagusap upang lubusan kang maintindihan.

<<<BACK

vincerapisura.com