Isa sa mga sikreto ko sa matagumpay at maayos na paghawak ng pera ay sa pamamagitan ng pagtanggi sa maraming bagay. Sa totoo lang, nagiging art form na ito dahil habang nalalaman ng marami na ikaw ay umaalwal, dumarami din ang umaaligid na gustong manghingi ng tulong.
Hindi masama ang tumulong pero kinakailangan itong bigyan ng limitasyon dahil kung hindi ang sarili ang mapapasubo. Marami ang nahihirapang magsabi ng “no” o “hindi” lalung lalo na kung ang involved ay ang mga kapamilya natin, mga kaibigan o maging mga kakilala.
Put your needs first
Kinakailangang isa-alang-alang ang sariling kapakanan bago ang pangangailangan iba. Responsibilidad nating pangalagaan ang ating sarili. Ilahad ito sa mga taong nanghihingi ng tulong o ng pabor sa iyo.
Kung hindi mo pangangalagaan ang iyo sarili, maaring mauwi sa paninisi ang gagawin mo sa huli. Hindi ito magandang paraan ng pagaalaga sa mga relasyon.
Acknowledge that you can’t do everything
Hindi tayo ipinanganak na may super powers. Gustuhin man nating pagbigyan ang lahat, huwag kakaimutang tayo ay tao din lang.
Love it thanks to teach us
Love it vince thanks
U teach me thanks again