Mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang anak kaya lahat ay gagawin nila para paghandaan ang kanilang future. Ang isa sa mga pinaghahandaan para maging financially stable ay ang insurance.
Dapat bang ikuha na ng mga magulang ang kanilang minor de edad na anak ng insurance?
Life insurance for income earners
Ang life insurance ay para sa mga taong kumikita na may dependents. Proteksyon kasi ito bilang income replacement para sa mga dependents sakaling mamatay ang bread winner.
Kung hindi naman kumikita ang bata at hindi rin siya ang inaasahan para mabuhay ang pamilya, hindi niya kailangan ng life insurance. Basahin: “Kailangan ba ng sanggol o bata ang life insurance?”
Separate investment from insurance
Sa usapin naman ng investment, mas maiging ihawalay ang pagi-invest sa insurance dahil mahal ang investment linked ang insurance. Alamin sa article na naisulat ko—bakit mahal ang VUL—ang mga dahilan.
Children typically don’t own property
Kadalasan ay wala ding ari-ariang nakapangalan sa kanila ang mga sanggol o bata. Kaya ang property insurance ay hindi rin angkop para sa kanila.
Health insurance for the family
Ang kailangan ng mga anak—sanggol man o bata—ay health insurance. Hindi naman kinakailangang kumuha ng separate insurance policy para sa kanila.
May mga tinatawag na family health insurance o family health maintenance organization. Maaring ibakas ang sanggol o bata sa health insurance na ito upang hindi masyadong malaki ang idadagdag sa gastusin.
Hi Sir Vince, someone offered me an insurance with investment. Please correct me po if I’m wrong, based on my understanding on your article its better to get a term insurance rather to invest on VUL and you shoud have separate investment on investment with cash value tama po ba? Please enlighten mo po on mutual funds, what is real meaning of this po in terms of investment.. thank You
Yes, separate insurance and investment.
Buy term insurance.
Insurance with cash value is also not sulit.
Sir Vince we have 3 kids (11y/o, 8y/ o, 5y/o)
Ofw ako, my wife taking care of the kids. What the BEST health insurance and investment you can suggest?thanks
Hi sir Vince. Anu b maganda kunin pra sa anak ko. Sa ngaun ksi ng sa savings aq pra sa anak ko.. salamat po
Sir .sa aking katayoan bilang isang single mom n may dalawa anak na.ano po ba ang naayon para sa amin mag ina .anong insurance po .salamat po
Hi sir vince, my idea po ba kau magknu dapat hulugang family health insurance for a family of 5?
Hi Sir Vince, may life insurance type po ba na pwede i apply kung parehas ng parents is OFW then ang beneficiary nasa Pinas?
San po ba pedeng mag-apply ng health insurance??? San san magandang kumuha???
Hello Sir Vince, dapat po ba na hiwalay ang insurance namin ng husband ko or pwedeng beneficiaries nya na lang kami? And ano po ma sa-suggest nyo na insurance company? Thank uou po
kunng both earning, masa maganda ung hiwalay. kung single earner, ok lang na beneficiary kayo.
Hi sir
May mairerecommend po ba kayong best health insurance? Salamat po
Pano po kung mahal po ang nakuha Ng insurance, pwede pa rin po ba itong icancel at palitan Ng mas mababa?
Kadalasan, yes, kausapin ang agent.
Hi sir vince? Aware po ba kau sa bdo money 8plus? Ok po ba un?
Hi sir vince,tama po ba na kming mag asawa ay kumiha ng life insurance?ofw po kmi.salamat sa magiging sagot mo..
Yes. Get term insurance. Mura lang dapat yan, hindi mahal. Kunin yung insurance na walang kasamang investment.