Isa sa mga pangarap ng mga Pinoy ang magkaroon ng sariling bahay. Kaya marami ang interesadong malaman kung paano gumagana ang Pag-IBIG at paano din ito mapapakinabangan.
Competitive housing loan
Nauna ko nang nabanggit na competitive na sa market ang terms and conditions na ibinibigay na housing loan ng Pag-IBIG lalong-lalo na sa interest rate. Kaya magandang tangkilikin ito para magkaroon ng oportunidad na magmay-ari ng sariling bahay.
Pag-IBIG housing loan guide
Maari mong basahin ang mga susunod na articles para mas maintindihan ang mga patakaran ng Pag-IBIG. Malalaman mo na rin dito kung qualified ka at kung ano ang maari mong gawin sakaling hindi mag-qualify.
- Terms and conditions ng Pag-IBIG housing loan
- Magkano ang puwedeng makuhang loan sa Pag-IBIG Housing Loan
- Saan puwede gamitin ang housing loan ng Pag-IBIG?
- Document requirements para sa Pag-IBIG housing loan
- Multiple housing loans sa Pag-IBIG
- Pag-IBIG housing interest rate versus commercial banks
- Tips kapag ang housing loan application ay disapproved
Fixing period
Maraming nalilito sa ipinapataw na interest rate ng Pag-IBIG, base sa fixing period nito. Ang akala ng iba ay laging nakapako sa kung anong piniling loan term ang interest na babayaran sa housing loan nito.
Mali.
Maaaring magkaiba ang pipiliing fixing period sa loan term ng loan para makakuha ng mas mababang interest rate depende sa kumpiyansa mo sa prevailing interest rate sa Pilipinas.
Isa-isahin natin.
Ang loan term ay ang tagal ng panahon na babayaran mo ang iyong housing loan. Sa ngayon, ito ay isa hanggang 30 taon.
Fixing period naman ang tawag sa tagal ng panahon na ipapataw ang interest rate sa iyong loan. Tinatawag din itong repricing period, cycle o tenor.
Nagmumula ang kalituhan dahil tulad ng loan term, ang fixing period ay maari ding isa hanggang 30 taon.
Interest rate
Ito ang interest rate ng Pag-IBIG housing loans na inilabas nito noong February 2018. Kung mapapansin, ang interest rate ay nakalagay ayon sa fixing period nito.
Interest Rate (based on fixing period or repricing period) | ||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Fixing period | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6-10 | 11-15 | 16-20 | 25 | 30 |
Rate | 5.37% | 6.37% | 6.37% | 7.27% | 7.27% | 8.04% | 8.59% | 8.80% | 9.05% | 10.00% |
Choose fixing period and loan term separately
Ang umiiral na kaalaman ay kung ano ang pinili mong loan term ay siya na ring pinili mong fixing period. This is not always true. Sa katunayan, mapapamahal ka kung ito ang susundin mo.
Akala ng marami, kapag pinili mo ang loan tem na 30 years, 30 years na rin ang fixing period o repricing period. This means, 10% per annum na ang interest rate mo sa iyong housing loan.
Maaring pumili ng magkaibang loan term at fixing period. For example, 30 years ang pinili na loan term, maaaring piliin ang one year na fixing period. In this case, base sa table sa itaas, 5.37% per annum ang interest rate.
PERO, at ito ay isang malaking pero, ang rate na ito ay applicable lang sa isang taon. Maaaring itong magbago next year kung babaguhin ng Pag-IBIG ang kaniyang interest rates. Maaring itong tumaas o bumaba.
In the same manner, kung pinili ang five years fixing period, 7.27% ang interest na gagamitin sa loob ng limang taon ng iyong loan. Ibig sabihin fixed ito for five years at magbabago lang after five years.
Binibigyan ka ng garantiya ng Pag-IBIG na sa susunod na limang taon ng iyong loan, pareho ang interest rate na gagamitin nito à 7.27% per annum. After five years, maari itong tumaas o bumaba depende sa interest rate na ibibigay ng Pag-IBIG.
Gets mo na?
Interest rate risk
In a sense, you are absorbing interest rate risk kung hindi match ang loan term at fixing term ng Pag-IBIG housing loan mo. Maaari kasing tumaas ang interest rate pagkatapos ng fixing period na napili mo.
Since nagkamalay ako in terms of tracking interest rates ng Pag-IBIG, about 20 years na ito, hindi ko pa namalayan na nagtaas ng interest rate ang pag-IBIG. But of course, ang historical performance nito ay hindi reflective of future performance kaya may risk pa din na magtaas ito ng interest rate depending on various factors.
Ayon kay Jose Marallag, isang kawani ng Pag-IBIG, hindi daw tataas sa ng 2% per annum ang maaring itaas ng interest rate ng Pag-IBIG dahil may batas para dito. Sinabi niya ito nang magbigay siya ng presentation sa isang klase namin ginanap sa Asian Institute of Management.
So in that sense, may certain level of comfort at mitigated ang sudden spike in interest rates. Ang mga commrcial banks kasi ay malayang makapagtaas ng kanilang interest rate, wala silang ceiling. Nakita na natin ito noong kasagsagan ng 1998 Asian financial crisis.
Choose one year fixing period
Para sa akin, ang pinakasulit na paraan para makamura sa babayrang interest sa housing loan sa Pag-IBIG ay piliin ang one year fixing term kahit ano pa ang loan term na pipiliin mo. Ito kasi ang nagbibigay ng pinakamababang interest rate at kung magtaas mas ay hanggang 2% lang ang palugit ng Pag-IBIG.
Guide in buying a house
Tandaan na kung saan tayo makakakuha ng a”value for money” doon tayo. Hindi rin ibig sabihin na porke’t kayang bayaran ang interest sa housing loan ay sasagarin natin ito.
Gamitin ang aking 3-20-20-20 housing rule bilang gabay sa pagkuha ng housing loan. Ang loan amount mo ay hindi dapat lalagpas sa tatlong taong kita; maximum of 20 years to pay; mag-ipon ng 20% equivalent down payment ng proprty value; at ang loan amortization ay dapat hindi lalagpas sa 20% ng buwanang kita. (Watch: Guide in buying a house)
Mayroon kaming existing housing loan po ako (P890,000) payable for 30 Years. Plano po sana naming paiksiin ang term from 30 to 20 yrs. Would you advice us to proceed? Ano ang magiging risk & advantages nito? Salamat.
Thank you so much, Vince. I’ve read other blogs about this pero ikaw lang nakapag bigay ng malinaw na explanation. Sana ipagpatuloy mo ang pagtulong sa to your fellow Filipinos. 🙂
Salamat po.