was successfully added to your cart.

Cart

Ang tamang paraan ng paghawak sa pera ng mag-asawa na iisa lang ang kumikita

Isa sa mga interesting Facebook messages na natanggap ko ay tungkol sa paghawak ng pera ng mag-asawa sa sitwasyon na iisa lang ang kumikita o may trabaho.

Maraming dahilan kung bakit ganito ang set-up. Ang karaniwang sitwasyon ay ang babae ay nananatili sa bahay upang pangalagaan ang mga anak at panatilihin maayos ang bahay. Samatalang ay lalaki naman ang siyang nagta-trabaho.

May mga makabagong sitwasyon na rin ngayon kung saan ang lalaki ang nagiging “househusband” at ang babae ang naghahanap buhay. Pareho itong katanggap-tanggap.

Household work is work

Ang akala ng marami ay hindi trabaho ang gawaing bahay—pagaalaga ng mga anak, pagaayos ng bahay at paghahanda sa pangangailangan ng asawang nagtatrabaho. Mali ito.

Ang gawaing bahay ay trabaho din na may kapatas ng trabahong kumikita. Hindi madali ang gawaing bahay. Kaya nga nagbabayad ng mga kasama sa bahay upang magawa ang mga ito.

Equal responsibility

Kapag iisa lang ang nagta-trabaho, hahatiin sa dalawa ang kinikita ng nagta-trabaho o nagha-hanap buhay. Ibibigay ang isang bahagi sa asawang gumagawa ng gawaing bahay ata ang natititrang bahagi naman sa nagta-trabaho.

Maglalaan ang bawat isa ng budget para sa emergency savings, daily needs at financial goals. Kung may matitira, may kalayaang gamitin ito sa anumang naisin nila para sa ikabubuti ng pamilya.

Para sa detalye kung paano ang paghahati ng gastusin, basahin ang article ko tungkol sa hatian ng gastusin ng magasawa.

Sa ganitong paraan, mapapanatili ang dignidad ng mag-asawa lalo na ang nag-sakripisyong manatili sa bahay upang alagaan ang pamilya. Sana ay hindi natin minamaliit ang gawaing bahay dahil ito ang nagpapanatiling masaya at payapa ang pamilya.

vincerapisura.com


One Comment

  • Millet Gomez says:

    Ttoo po ito, kso may mga lalaki na ang gusto nila ay pag silbihan cla ng babae, kc nag tatrabaho cla, oo gngawa ng babar ito kso kming mga babae nppagod din nman, kya sana yong mga lalaki na hindi nman gaano nhirapan sa work nila kc cla yong business owner tumulong nman sa bhay. Ang akala ng iba kisyo nsa bhay ang asawa naiwan buhay reyna na, d nila nkkita kong ano itsura ng bhay bago cla umalis at pag uwe. At kong mag reklamo ang asawa “sasagutin lang ng d2 ka lang npagod kna?”at kong may sakit sasabihan na ay”nag lba klang nagkasakit kna.?:” d nya nkkita kong gaano ka dami at klinis ang pinag laba na mga damit ng anak nya at sa kanya din. Hay walang nkita bulag yata. Kwawang asawa d na nga nabigyan ng pera d pa pinaniwalaang may sakit na pla.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: