Layunin ng personal financial diagnostic na ilarawan ang iyong mga financial practices. Magbibigay ang mga paglalarawan ng mga rating scale para matulungan kang malaman kung mabuti ba ang mga personal financial practices mo.
Tinitingnan nito ang portfolio growth, income at expense management, insurance protection at mga naipon para sa mga emergency. Ang self-diagnostic test ay hindi naman idinisenyo para usisaing mabuti ang iyong personal finance status, kundi ay para mabigyan ka lamang ng ideya kung saan nabibilang ang iyong personal finance practices.
Ang lawak ng saklaw nito ay mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang personal financial practice. Ang mga sumusunod na 10 tanong ang susukat sa iyong personal finance practices.
Isulat ang “Oo” kung ginagawa mo ang mga nakasaad sa tanong. Isulat naman ang “Hindi,” kung hindi mo ginagawa ang mga nakasaad sa tanong. Kailangang 100% sigurado ka na ginagawa mo nga para mapagtibay ang “Oo,” dahil kung hindi, ay isagot mo ang “Hindi.”
Kung hindi mo nauunawaan ang sagot, malamang na “Hindi” rin ang magiging sagot mo, kaya may inilaan rin akong mga paliwanag sa mga tanong at sagot sa mga tanong para maging sanggunian mo.
- Mayroon ka bang mga ispesipiko financial goal sa buhay at alam mo ba kung magkano ang gagastusin mo sa bawat financial goal?
- Mayroon ka bang net worth na tumutugma sa mga inirekomendang antas batay sa iyong edad?
- Mayroon ka bang ipon na katumbas ng anim na beses sa iyong buwanang sahod o siyam na beses sa iyong mga gastusin?
- Mayroon ka bang accident, disability, life o health insurance?
- Mayroon ka bang binabayarang buwanang utang at ang installment nito ay mas mababa sa 20% ng iyong kita?
- Mayroon ka bang paghahanda sa iyong mga gastusin at namo-monitor mo ba ito?
- Alam mo ba ang halaga ng lahat ng iyong personal assets o ari-arian?
- Mayroon ka bang lumalaking na portolio na nakapagbibigay ng iyong passive income?
- Alam mo ba ang estado at kung magkano ang halaga ng iyong retirement fund?
- Nakapag-invest ka rin ba sa sarili mong kaalaman at kakayanang pampinansyal?