May mga tao namang ang guilt-trip nila ay ang magpaawa-effect. Sila itong laging nagpo-point out ng kahinaan (weakness o seeming misfortune nila) nila at ng kalakasan (strength, luck of blessing) mo.
Naalala ko ang isa sa pinaka-una kong participant sa Rome, Italy, si Nellie Bernardo. Ang sagot niya dito ay simple, “Hindi ko kasalanan na kayo ay mahirap.”
Bolero
Ang mga bolero ay mahilig magbigay ng compliments upang sila ay maka-dengoy sa iyo. Smooth operators din ang tawag sa kanila.
Simple lang ang atake sa mga ganitong tao, ang sagot ko kapag ako ay binibigyan ng papuri—isang masiagasig na, “Thank You!”
Kapag ginaganahan akong rumesbak dahil obvious na nanghuhuthot lang, sinasabi ko ding, “Alam ko po.” O kaya naman ay, “Sabi nga din ng nanay ko yan.”
Isa ring paraan is to return the compliment back. Madalas sa ganitong sagot ay napapatigil naman sila Nakahanap sila ng katapat kung baga.
Ambush-ero – people who put you on the spot
Ang style na ito naman ay ginagamit ang hiya bilang bala against you. Sila yung magtatanong nang biglaan sa iyo ng financial request sa harap ng maraming tao at awkward kung ikaw ay tatanggi.
Mahilig ang mga taong ito na humanap ng hindi magandang timing para tanungin ka ng kanilang request. Karaniwan ginagawa nila ito sa harap ng mga taong may pagkiling sa kaniya para magatungan at mapilitan kang um-oo.
Para makaiwas dito, diretsahin din ang sagot sa taong ito. Sabihing, “Sa palagay mo ba ay dapat ngayon natin pagusapan ito?”
Puwede rin namang sabihan nang mahinahon na pagiisipan mo pa ang iyong desisyon pero i-emphasize na hindi tama ang timing at venue na pagusapan o pag-desisyunan ang isinasanguni niya.
Communicate with courtesy
Kahit na pikon na pikon na tayo sa mga modus operandi ng mga bully, reklamdaor, guilt-tripper, bolero at mga ambush-ero, kinakailangan pa rin nating ipakita na tayo ay may breeding. We still treat them with utmost respect and courtesy.