was successfully added to your cart.

Cart

 Usapang Pera Season 2 Epsiode 15

“Ok. So Sir Vince anong mga dapat naming tandaan o mga guidelines na mabibigay mo sa amin sa pagkuha namin ng insurance.”

“I-define muna natin kung ano yung insurance.”

“Ang insurance ay protection para sa financial losses in times of emergencies and calamities.”

“Maraming actually ang nagsabi sa akin na natatakot silang kumuha ng insurance at ang sabi ko, tinatanong ko sa kanila, “Ano ba iyong kinakatakot ninyo?”

“Kasi sabi nila madami daw nagsasara na mga insurance companies and when pino-probe ko kung ano nga ang nagsasara na akala nila insurance companies, ay hindi pala. Pre-need companies pala iyon.”

“Narinig ko na rin yung chismis na yan dati.”

“So Sir Vince may mga nakakausap akong friends ko na mas financially savvy. May sinasabi silang VUL? V-U-L Insurance? May alam ka ba about that?”

“Ang VUL ay isang investment-linked insurance.”

“Ang ibig sabihin ng VUL ay Variable Unit Life or Variable Universal Life, depende kung sinong nagsasabi niyan.”

“At typically ang investment linked insurance, hindi ko siya rine-rekomenda lalo na sa mga nagsisimula pa lang na mag-build ng kanilang investment portfolio.”

“Hindi ito magandang simulain para sa investment dahil primarily ang investment linked insurance mahal siya at mas maganda na pinaghihiwalay mo ang investment

at tsaka ang insurance.”

“Para makaiwas sa investment linked insurance, gawin natin ang BTID strategy or ang Buy Term and Invest the Difference.”

“Kasi sa investment linked insurance napakaraming charges. Meron tayong premium charge, insurance charge, annual management fees, meron din tayong policy fees.”

“Ang budget para sa insurance premium ay dapat 5% ng monthly income.”

“Magsisimula kang mag-invest pero halos lahat ng mga linalagay mo napupunta sa mga fees. So hindi siya magandang simula.”

“Ok. Parang na-encounter ko na ito before over a networking lunch.”

“Oo. Kasi ito iyong  ibinebenta ng marami na mga insurance agents kasi nga mas malaki yung presyo. At kung mas malaki yung presyo, mas malaki yung commission nila.”

“Hindi dapat itinuturing na investment ang insurance.”

“Itong mga ito ay base lang sa historical performance at hindi nila pinapakita yung pagbaba ng market sa kanilang projection typically. Laging pataas lang yung pinapakita nila.”

“Tayong mga Pilipino ay naghahangad ng masaya, masagana at mapayapang pamumuhay.”

“Kaya naman kailangan nating palawakin ang ating kaalaman sa pag-iipon, pag-iinvest at pangungutang. Ako si Nicole.”

“Ako naman si Sir Vince, nagsasabing”

“Ang pagyaman, napag-aaralan.”

vincerapisura.com


%d bloggers like this: