Isinalang sa senado ni Senator Risa Hontiveros ang Senate bill 2138 universal social pension system para sa lahat ng senior citizens para tulungan ang ating mga lolo at lola kasama ng kanilang mga pamilya na matustusan ang kanilang pangangailangan araw-araw. Ito ay tinatawag ding lingap para kay lolo at lola bill.
Ayon sa senadora, makapagbibigay ng income security ang universal pension for senior citizens. Magbibigay ito ng kakayanan sa kanilang punan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at kalusugan.
Sa palagay ko, ang bill na ito ay makakatulong din sa mga pamilyang mababa ang kinikita dahil makakabawas ito sa bigat na kanilang pinapasan. Isa rin itonng paraan upang mai-distribute at mapaabot sa mga mahihirap ang tinatamasang economic growth ng Pilipinas.
Magtatayo ng social pension system ang gobyerno na magbibigay ng assistance para sa lahat ng mga senior citizens o yung may edad 65 pataas sa panukalang bakas ni senator Risa. Ang mga senior citizens naman na edad 60 hanggang 64 at nabibilang sa mga indigents ay makakatannggap din ng assistance.
Makakatanggap ng PhP1,000 na monthly stipend ang mga senior citizens kung maisasabatas ito. Kung ako ang tatanungin, maliit pa nga ito. Pero siyempre, kailangang balansehin kung ano ang kayang ibigay ng gobyerno and hopefully, tumaas ito in the future kapag naisabatas na.
Agree ako sa sinabi ng senadora na hindi kinakailangang market-based lahat ang approaches natin kung pension para sa retirement ang pag-uusapan. Magandang i-complement ito ng serbisyo galing sa gobyerno upang ma-assure ang social and economic well being ng ating mga lolo at lola.
Nakikita ko ding malaki ang magiging multiplier effect nito in terms of propping up the local economy dahil magkakaroon spending power sina lolo at lola. Lalago ang mga negosyong nagbibigay serbisyo sa kanila.
Sana ay maisabatas nga ang bill na ito para na rin sa ikauunlad ng ating bansa.