Understanding PERA account
Ang tax credit naman ay katumbas ng 5% ng iyong kontribusyon kada taon na maaring mong gamitin para i-offset ang iyong tax liability kung ikaw ay isang empleyado. Kung ikaw naman ay OFW, maari mmo itong gamitin pang-offset sa anumang national internal revenue tax liability tulad ng income tax, estate tax, donor’s tax, value added tax (VAT), excise tax, doc stamp tax at iba pa.)
Kapag umabot ka sa 55 years old bago mo i-withdraw o kunin ang iyong investment, hindi mo na rin kinakailangang magbayad ng income tax sa mga kinita ng iyong PERA account. May probisyon din na sakaling mamatay, ang pagpapamahagi ng iyong PERA bilang bahagi ng iyong estate ay exempted na rin sa estate tax.
Ang PERA investment ay hindi din maaring gamitin para sa attachment, garnishment at levy kapag ito ay napapakinabangan na.
Contributor
Ang contrbutor sa PERA ay isang natural person na nagbukas ng account sa isang PERA administratior. Sa madaling sabi, ang contributor ay ang investor.
PERA Administrator
Ang PERA administrator naman ang siyang may responsibilidad sa pangangalaga ng iyong PERA account. Sa kanila magbubukas ng PERA account kaya’t ito din ang may responsibilidad sa recording at reporting.
May responsibilidad din na bigyan ka ng financial literacy ng PERA administrator.