was successfully added to your cart.

Cart

Totoo bang mas mataas ang interest rate ng PagIBIG kaysa sa mga commercial banks sa housing loan?

By October 7, 2017 Loans, Pag-IBIG

Depende.

Based sa interest rates ng mga housing loans ng commercial banks na nakalap namin noong October 1, 2017, kapag ang home loan ay balak bayaran in less than five years mas mababa interest rate ng ilang commercial banks.

Kapag ang home loan naman ay balak bayaran ng higit pa sa five years, mas mababa ang interest rate ng Pag-IBIG.

Interest Rate for Housing Finance
As of October 1, 2017

Kung susumahin, competitive na ang interest rate on home loans ng PagIBIG kumpara dati sa less than five years na loan term. Ito naman ang leading in terms of interest rate kapag ang loan ay greater than five years.

Pero para sa akin, ang pinakamagandang feature ng PagIBIG loan ay may limit ito sa interest rate na maari niyang itaas sakaling magkaroon ng economic crisis. Ayon kay Jose Marallag, isang empleyado ng PagIBIG, hindi tataas ng 2% ang dagdag na interest sakaling may spike sa interest rate.

Ito ang bentahe ng isang government program. Ang mga commercial banks kasi ay pegged sa market. So kung biglang tumaas ang interest rate at kinakailangang magdagdag ng 10% per annum, halimbawa. Maari nilang gawin ito.

Nangyari na ito dati noong Asian Financial Crisis. At dahil long term karaniwan ang home loan, mas maganda kung may ganitong proteksyon sa PagIBIG home loan.

vincerapisura.com


One Comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: