was successfully added to your cart.

Cart

Top 5 financial goals ng mga Filipino

San Fernando City, La Union – Mula sa training sa Lucena kahapon naglakbay kami ng mahigit siyam na oras para naman magbigay ng training dito sa San Fernando ngayon. Mabilis lang sana ang paglalakbay kung hindi kami na-traffic sa EDSA.

Halos dalawang oras kami sa EDSA. I can’t wait na matapos na ang link ng SLEX at NLEX, siguradong gagaan ang paglalakbay.

Mga empleyado naman ng Department of Education ang dumalo sa Wealth Building Training natin. Halos 80 sila lahat na galing sa Region 1, 2, 3, 4A, 4B at CAR.

Isa sa mga itinuro ko ay ang paggawa ng financial plan at bahagi nito ang ang paggawa ng mga financial goals. Sa paglilibot ko sa mga sagot ng mga dumalo, na-affirm ang aming research findings sa kung anu-ano ang mga pangarap ng mga Filipino.

Matiwasay na retirement

Ang unang financial goal na parati kong nakikita ay ang pagkakaroon ng matiwasay na retirement. Nagbabago na ang paningin ng mga Filipino dahil marami na ang nagsasabi na ayaw na nilang umasa sa kanilang mga anak sa kanilang pagtanda.

 

 

Magkaroon ng sariling bahay

Isa sa mga pangunahing pangangailangan natin para mabuhay ang magkaroon ng bahay. Kaya ito din ang isa sa mga pinapangarap ng mga Filipino.

Dito nag-suggest ako na kung maari ang gawing bahay ay yung maaring mapagkakitaan din. Halimbawa, duplex ang ipatayo, ang isa ay titirhan at ang isa naman ay papaupahan. Maaari ding two floors – ang first floor ay papaupahan at ang second floor ay ang siyang titirhan.

Sa mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) kasi ng mga nagtapos sa aming online training, karamihan sa mga middle class, ang pinakamalaki nilang asset ay ang bahay na hindi kumkita. Para sa akin, violation ito ng good personal finance practice dahil your largest asset should be an earning asset.

Mapa-aral ang mga anak

Mahalaga pa din ang edukasyon sa kamalayan ng mga Filipino. Itinuturing natin itong isang mabisang paraan upang maging matagumpay sa buhay.

Pinaalala ko lang sa mga dumalo na maglaan din ng pag-aaral tungkol sa paghawak ng pera, dahil ang money management ay isang skill that is a must in this day and age.

 

Kapital sa negosyo

Marami din ang nagnanais magtayo ng negosyo kaya sila ay nag-iipon ng kapital para dito. Para sa akin, ang unang dapat pinaghahandaan kapag magtatayo ng negosyo ay ang business plan.

Madaling makakuha ng kapital kapag malinaw kung paano papatakbuhin ang negosyo. Mas mahirap ang pagsiguro na may market para sa mga produkto o serbisyong ibebenta ng negosyo; paggawa ng business model kung paano gagawin ang produkto at serbisyo para makarating sa market; at siyempre – ang paglilinang ng kaalaman at kakayahan sa pagpapatakbo ng negosyo.

Mabayaran ang lahat ng utang

Marami din ang nagnanais na mabayaran na ang kanilang mga utang. Aminado sila na nagamit ang utang sa maling paraan o sa mga bagay na hindi kumikita.

May mga tao pa ngang nangutang upang makatulong sa pamilya at the expense of their own financial well-being. Binigyang diin ko na kinakailangang maging financially stable muna sila bago sila tumulong financially

One financial goal at a time

Karaniwang napakaraming pangarap ng mga Filipino. Wala namang masama dito dahil libre naman ang mangarap.

Pero siguraduhing isa-isahin ang pag-abot sa mga pangarap na ito. Mahirap kung pagsasabay-sabayin. Mamili muna ng pinakamahalaga at pinakakagyat at dito muna tumuon.

Sa karanasan ko, kapag masaydong madaming maraming pinagsasabay-sabay na pangarap, walang nakakamtan o hindi nagkakatotoo. Nanatili na lang ang mga ito bilang mga pangarap.

 

 

vincerapisura.com


One Comment

  • “Ang pinakamalaki nilang asset ay ang bahay na hindi kumkita.” Kayo ganun siguro ay may balak silang ibenta sa mas malaking halaga ang bahay pag dating na panahon. Pero tama nga na mas pagtuunan ang mga negosyo na magpapalaki ng cashflow para sa retirement.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: