Isa sa pinakamalaking expenses natin ay ang pagkain. Ayon sa Family Income and Expenditure Survey noong 2015, kalahati ng ating expenses ay napupunta sa pagkain.
Dahil dito mainam na paghandaan ang pamamalengke upang hindi tayo mag-over budget.
Panindigan ang grocery shopping list
Bago pa pumunta sa sa palengke o sa grocery, mag-imbentaryo muna ng mga bagay na kailangang bilhin sa kusina. Busisihing mabuti kasi baka may nakatambak na pagkaing maaring masira. Unahin muna itong ubusin.
Maganda ring maghanda ng meal plan sa buong linggo para planado ang mga ihahain na pagkain sa araw-araw. Sa ganitong paraan, mapaghahandaan kung gaano kadami ang kailangang ihanda at para rin hindi paulit-ulit ang uulamin.
Ang nagawang imbentaryo at ang meal plan ang magiging basehan ng shopping list para sa grocery at sa palengke. Ang mahalag ay panindigan ang listahang inihanda at iwasang ito ay dagdagan.
Humanap ng substitutes o kapalit
May mga bagay na maaring mas makamura kung makakakuha ng kapalit o substitute. Halimbawa, imbes na karne ang bihin panghalo sa ulam, maaring kapalit ang tokwa. Kaysa karne ang ulam, maaring gawing monggo bilang pinagkukunan ng protina.
Sa mga basic food items katulad ng asin at asukal, bumili ng generic. Hindi naman kinakailangang branded ang mga ito.
Umiwas sa tingi
Bumili ng bultuhan lalo na ang mga bagay na hindi naman madaling masira tulad ng sabon, shampoo at toothpaste. Ang pagbili ng sachet o tingi sa sari-sari store ay mas mahal kung susumahin.
Sa aking estimate, mas mahal ng 20% ang tingi kumpara sa pagbili ng bultuhan.
Kumain bago mag-shopping
Sa aking personal na karanasan, mas napaparami ang aking nabibili kung ako ay gutom. Ang tawag dito ay “takaw-tingin.”
Para hindi maparami ang binibili, bigyan ng timelimit ang pamimili upang hindi tayo magtagal sa loob kung saan maraming temtasyon.
Dapat wag magsama ng bata or anak sa paggo-grocery lalo na kung mahilig magnali ng kung anu-ano ang mga anak natin 😊 iwanan na lang sa bahay kung may mag aalaga.
Tama. Yung anak ko iniiwan ko muna sa labas ng grocery. Pinauupo ko lang sa poste o tayo lang muna sa sidewalk. Pag tapos na ako ng grocery, binabalikan ko lang siya.
Pagdating sa pagbili ng gulay at prutas mas mainam na kaunti lng bumili ng good for 2-3 days na gagamitin kesa bumili ng marami tapos masisira lng.alam natin kahit nsa ref hindi gaanong nagtatagal ang mga gulay at prutas
Tama po yun dapat di gutom pag nag grocery sabi ng mga pschologist.Ang ginagawa ko po dine divide ko ang allowsnce sa no.of weeks ex.4000 ang monthly budget devide by 4 weeks equals 1,000.Weekly mamalengke at pagkasyahin ang 1,000 worth n pinamalengke for 1 weeks.kung may sobra mas ok ma i dadagdag as saving khit pa 20 pesos lang yan.kung wala naman sobra see to it na hindi mag exceed sa budget for the week.
Very good.
Sa taas ng bilihin ngayon lalo na sa grocery napakahirap ibudget ang 3k. Yon ang alloted allowance ko para sa food on a weekly basis. Feeling ko nga di sya realistic budget kasi kadalasan nanenegative ako lalo na kasama na din doon ang needs ng baby ko like diapers. 😑