September pa lang sa Pilipinas, Christmas season na!
I’m sure marami na sa inyo ang nagpaplano kung ano ang ihahanda sa noche buena, media noche at kaliwa’t kanang Christmas parties and reunions.
Plan early
Sa paghahanda, maganda if you plan early. Kasi kapag napagpapalanuhan kung ano ang iluluto ahead of time mas magiging efficient ang ating pagpiprepare. As a result, bababa ang gastos kasi mababawasan ang mga unnecessary and unplanned items.
May kaibigan ako na 100 days before Christmas namimili na siya ng karne ng baboy at ito ay gingawa niyang homemade hamon. Patok na patok ito sa mga kaibigan at pamilya niya.
Nakakatipid siya sa ganitong paraan dahil siya ang gagawa at hindi commercial ang quality. Iba pa rin talaga ang lutong bahay na sinasamahan ng tender loving care.
Manood sa mga Youtube channels kung paano ito gawin o kaya naman ay maghanap sa Internet ng mga tried and tested recipes.
Substitutes
Hindi naman kinakailangang bumaba ang quality ng handa kung substitutes ang gagamitin. Haluan ito ng creativity at siguradong bongga ang maiseserve natin.
For example, instead of serving Apple pie ala mode for dessert sa handaana natin, we can replace expensive Apple pie with our very own turon. Ang labas? Turon ala mode.
This is just one example of looking for substitutes para sa ating handa. I’m sure, marami pa diyan. Ask you family and friends for tips.
Unbranded
You can also choose ubranded ingredients sa mga ilulutong putahe. Bumisita sa public market imbes na sa mga supermarkets o malls mamili ng mga sangkap sa lulutuin, kadalasan kasi may mga unbranded equivalents ang mga hinahanap mong ingredients.
Mas maraming unbranded for commodities tulad ng asin, asukal, malagkit at harina. Tanungin ang iyong suking tindera kung meron silang alternatibong unbranded product sa kailangan mong ingredient, usually meron sila nito.
Prepare the right portion
Finally and most important, maghanda nang sapat lang at hindi sobro-sobra. Maraming nasasayang na pera dahil masyadon marami ang nailuto, hindi nauubos, natatapon kaya nasasayang lang.
Bawat sentimo mahalaga kaya kailangan nating maging praktikal. If you are going to host a salo-salo, always make sure to ask for RSVP o réspondez s’il vous plaît na ibig sabihin ay dapat magbigay ng kompirmasyon ang mga inimbita mo kung dadalo sila o hindi, para, mas mae-estimate mo ang quantity ng handa.
Be practical
Ang mga Filipino madalas magsabi sa handaan, “di bale nang sobra, huwag lanng magkulang.” Ayaw kasi nating mapahiya sa mga bisita natin.
Pero kung susundin ang mga tips ko sa handaan, masagana ang sapat.