was successfully added to your cart.

Cart

Temptation ng Loans sa Doha

Ang mga baguhang OFWs sa Doha ay kumukuha ng credit card at personal loan kapag sila ay nakapagbukas na ng kanilang salary account. Alamin at pag-aralan kung paano i-manage ang utang.

Sir Vince: Tayong mga Filipino ay naghahangad na magkaroon ng masagana, masaya at mapayapang pamumuhay. Kaya marami na sa atin ang na-eengganyang pumunta at mag-abroad ngunit alam natin na hindi lahat ng mga nag-aabroad ay nagkakaroon ng matagumpay na istorya. Marami po sa kanila ay ang nababaon sa utang. Samahan niyo kami sa mini-episode ng Usapang Pera dito sa Doha. Makakapanayam natin ang past president ng Overseas Filipinos Investors and Entrepreneurs Movement dito sa Doha para pag-usapan kung papaano ba nagkakaroon ng utang ang mga Pilipino dito sa Middle East.

Sir Vince: Magandang araw sa iyo, Ellen. 

Ellen: Magandang araw Vince!

Sir Vince: Okay. Sige. So, i-ano mo naman, ipaliwanag mo naman sa amin kung papaano nagkakaroon o nakaka-access ng utang ang mga Pilipino dito sa Doha.

Ellen: Pagdating mo pa lang at nakahanap ka na ng trabaho, so, kailangan mong magbubukas ng salary account. From that salary account, may mga tinatawag silang pack na kasama na doon yung credit card. Minsan, may mga promo ng loan na tulad ng car loan tsaka personal loan. 

Sir Vince: Okay. So, pagbukas na pagbukas mo palang pala ng salary account mo which is a savings account, a checking account, may kasama na itong dalawa hanggang tatlong credit card plus may personal loan at tsaka may car loan na inooffer. 

Ellen: Oo. May inaalok na mga loans. 

Sir Vince: Naku! Talaga naman pala ‘no dito, kakaiba talaga ‘no. Kung sa Pilipinas, hirap na hirap tayong maghanap ng magpapautang sa atin, dito naman ay talagang binibigay agad-agad. 

Ellen: Oo.

Sir Vince: So, yun.  Sa tingin mo, saan ginagamit ng mga Pilipino yung kanilang utang dito?

Ellen: Madalas ginagamit ng mga Pilipino yung mga na-loan or nautang nila dito sa padala sa Pilipinas; pambili ng mga condo kasi napakaraming mga developers na nandito, nag-aalok ng mga real estate investments, yun yung patok. Tapos, bumili ng buhay at marami ding nagta-travel, gustong bumiyahe. \

Sir Vince: So, sa mga narinig ko sa iyo ‘no, parang ang main reason ng pag-utang nila is pang konsumo, hindi para sa isang produktibong bagay. 

Ellen: Consumption, opo.

Sir Vince: Then, gaano kalaki yung puwedeng makuhang loan?

Ellen: Ang puwede mong makuhang loan, maaaring four times ng iyong salary, five times, eight times or ten times.

Sir Vince: Wow! So, four times hanggang ten times ng salary mo ‘no?

Ellen: Oo. Mga limang libo paakyat. Limang libo, pitong libo, yung mga sinasahod ng mga baguhang nag-oopisina.

Sir Vince: So, ito ay five thousand to seven thousand Qatar Riyals.

Ellen: Riyals.

Sir Vince: Okay. At yan ay about sixty thousand to a hundred thousand pesos?

Ellen: Yes.

Sir Vince: Okay. So, kung times four nga to times five yun, so parang four hundred thousand to one million pesos…

Ellen: Ang puwede mong…

Sir Vince: Ang puwede mong mautang…

Ellen: Yes.

Sir Vince: With that. Okay. So, napakalaki pala. Ano yung collateral na ginagamit?

Ellen: Sahod yung pinakacollateral dito. Habang may trabaho ka, may inaawas sayong sahod. 

Sir Vince: Oo. So, automatic na yun na natatanggal dun sa account mo?

Ellen: Oo. 

Sir Vince: Nasisingil ng bangko.

Ellen: Pag umutang ka, may ini-issue silang tseke na pipirmahan mo, blangko. 

Sir Vince: Oohh… blank check and then kapag ano ‘no hindi nakabayad, ano yung maaaring consequence? 

Ellen: So, maraming mga issue ng utang ng OFW dito na nakukulong sila.

Sir Vince: So, hindi pala totoo ‘no yung sinasabi sa Pilipinas na walang nakukulong sa pagkakautang. Dito sa Middle East, sa Qatar, may nakukulong dahil sa pagkakautang.

Ellen: Oo.

Sir Vince: Eh, ikaw, ano sa tingin mo yung maipapayo mo sa mga kapwa mo OFW lalo na yung mga bago pa lang na pupunta dito ‘no, anong mapapayo mo sa kanila? 

Ellen: Sa mga bagong dating, kung maaari ay hindi tayo agad pumasok sa utang at kung maaari, we live by our means. 

Sir Vince: So, yun po ‘no, narinig natin ang panayam natin kay Ellen tungkol sa pag-utang dito sa Doha. So, gusto ko lang magbigay ng ilang payo ‘no para sa inyo lalo na sa mga bagong salta. Sa mga bagong salta, iwasan natin na ang unang gagawin natin dito ay mangutang ‘no. Napakalaki ng temptasyon na yan, madaling pera pero ang dapat nating gawin ‘no, ang unahin natin ay magsave at mag-invest muna bago tayo mangutang.

Sir Vince: Pangalawa, gagamitin natin ang loan para sa produktibong bagay. Ibig sabihin, sa isang bagay na kumikita at hindi sa pangkonsumo lang. Pag pangkonsumo, dapat sinesave natin yan.

Sir Vince: At pangatlo, at ito napaka-importanteng rule nito ‘no, ang maximum installment amount every month na gagamitin mo ay twenty percent lang ng iyong income. Sa pamamagitan nyan, makakaiwas ka sa pagkalubog sa pagkautang. 

Sir Vince: Kung gusto niyo pang malaman ang iba’t-ibang mga strategies ‘no kung paano magagamit ang utang sa mabuting paraan at paano makakaahon sa pagkakautang, stay tuned lang kayo sa aking Facebook page at pumunta kayo sa vincerapisutra.com. So, maraming salamat sa inyong pakikinig. Ito po si Sir Vince nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: