Maraming mga naloloko sa investment scam. Tinatayang isang milyong Filipino ang naging biktima ng investment scam ayon sa ulat ng briefing ng Securities and Exchange Commission (SEC) noong July 12, 2017.
Umabot sa PhP25 Bilyon ang nawalang pera dahil sa panloloko ng mga scammer. Ayon pa sa SEC “Ponzi” scheme at “pyramiding” ang pinakatalamak na paraan ng pangi-scam.
Ang Ponzi scheme ay kung saan ang scammer ay mangi-enganya sa mga investors na magbigay ng pera sa isang negosyong wala naman talaga. Pinapalabas ng scammer na matagumpay ang negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng kita o tubo sa mga naubang investors gamit ang pera ng mga bagong investors.
Mataas na kita
Ang unang karaniwang pangako ng mga scammers ay mataas na kita. Ito ay talamak na ginagamit sa Ponzi scheme. Ang kita ay karaniwang nakakalula. Tipong mado-doble ang pera sa loob ng mabilis na panahon – dalawa o tatlong buwan.
Once in a lifetime deal
Ang pyramiding naman ay gumagamit ng pangalawang pangako – na ang investment na binibigay ay “once in lifetime” kaya hindi dapat palampasin. Nagre-recruit ng mga miyembro ang mga nasa pyramiding scam.
Pinapangakuan sila ng bayad kung sila ay makakahikayat nang marami pang miyembro na sumapi sa kanila. Nanggagaling sa recruitment ang kitang pinambabayad sa mga naunang nag-recruit at hindi sa pagbebenta ng produkto o serbisyo.
Garatisadong walang pagkatalo o pagkalugi
Ang pangatlong karaniwang pangako ng mga scammers ay ang pagbibigay ng guarantee na walang talo o walang pagkalugi ang pinapasok na investment. Pinapaliwanag nila na imposibleng malugi at matatag na matatag ang kanilang investment.
Kapag narinig ang isa sa kahit anong pangakong ito, huwag nang magdalawang isip, humanap na agad ng paraan na makaiwas at itigil na ang paguusap. Ang pinakamabisang paraan ng pagiwas ay huwag nang bigyan ng pagkakataon pa ang sammer na magpaliwanag upang ikaw ay hindi mahulog sa tentasyon.
Huwag mag-apura sa pagi-invest. Sa akin, ang pinakamabilis pa rin na paraan ng pagyaman ay kung gagawin ito nang dahan-dahan.
Ang mabilis kung matinik ay malalim.
salamat po sa pa alala sir