was successfully added to your cart.

Cart

Tamang pagbili ng condo at kotse

Ang condominium at kotse ngayon ang top two status symbol para sa mga Filipino lalung-lalo na dun sa mga nakatira sa siyudad. Kaya marami ang nag-aasam na magkaroon nito.

Hindi naman masama ang magkaroon ng mga ito basta’t tama ang pagbili at swak sa pangangailangan. Narito ang aking gabay.

 

Guide in buying a car

Kung ang sasakyan ay gamit sa negosyo, dapat kayang bayaran ng negosyo ang amortization ng sasakyan. Kapag ito naman ay pam-personal, kinakailangang magkahalintulad ang ginagastos sa pamasahe kumpara sa loan amortization.

Passive income naman ang kailangang pambili ng sasakyan kung hindi papasa sa dalawang kundisyon ko sa itaas. Mas maganda rin kung ang car loan ay mababayaran sa loob ng tatlong taon lamang. (Basahin: Gabay sa pagbili ng sasakyan)

Guide in buying a condo

Mayroon akong 3-20-20-20 housing rule sa pagbili ng bahay na titirhan at magagamit din ito kung ang balak bilhin na titirhan ay condominium. (Panoorin: Guide in buying a house)

Kinakailangang ang halaga ng condominium na balak bilhin ay hindi lalampas sa tatlong taong kita. Magsisilbi itong gabay para masiguradong abot kaya at hindi magmalabis sa bibilhing tirahan.

Mag-ipon ng 20% na katumbas ng bahay bilang downpayment. Ito ay para masiguradong mataas ang equity mo sa bahay at mas mababa ang ibibigay na interest sa iyo ng bangko.

Matututo ding mag-ipon at magsisilbing practice sa pagbabayad ng amortization kapag nakakuha na ng housing loan. Ang budget para sa monthly amortization ng bahay ay hindi din dapat lalagpas sa 20% ng kita kata buwan upang magkaroon pa ng maluwag na budget para sa ibang bagay.

Ang loan term ay hindi dapat lalagapas sa 20 years. Mas maikli, mas maganda. Ito ay para masiguradong hindi na poproblemahin ang pagbabayad sa bahay sa panahon ng retirement.

Sa mga nagbabalak bumili ng condominium bilang investment dapat sa first year ay magkapantay na ang loan amortization sa rental income at mas tataas pa ito paglipas ng panahon. Dapat ding eight years ang return on investment at sisiguraduhing kumuha ng insurance bilang protection sa asset. (Basahin: Condominium as investment)

Gumawa ng financial plan

Kung nagbabalak kang magkaroon condominium at kotse kinakailangang gumawa ng financial plan upang mapaghandaan ito. Sundin ang mga gabay sa itaas para siguradong tama ang paghawak sa pera.

Mas mapapabilis mong makakamtan ang iyong pangarap na condo at kotse kung alam mo ang gagawin mo para mapasaiyo ang mga ito. (Basahin: Gabay sa paggawa ng financial plan)

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: