Tama bang kumuha ng loan para sa pagpapa-aral sa mga anak?
Sa kultura kasi natin, nakasanayan na na gawing unang solusyon sa problema ang utang. Kapag may emergency – utang; pampa-aral sa anak – loan; pampagawa ng bahay – loan.
Hindi tayo nasanay na mag-save nang maaga para tugunan ang mga ito. Binigyang diin ko na mahal ang loan.
Ayon kay Daisy, nasa PhP120,000 ang gagastusin ngayon sa tuition para sa anak. Kung gagamitin ang inflation rate para sa education index ng Philippine Statistics Authority na 2.1% per annum, ang halaga nito after 15 years ay PhP164,000.
Para maipon ito ni Daisy, kinakailangan niyang magsubi kada buwan. Nagbibigay ang mga microfinance institutions ng 5% interest rate sa savings on average.
Kailangan niyang mag-save ng PhP7,595 o katumbas ng PhP632 kada buwan. Ang kaninang bagabag na isip ni Daisy ngayon ay nabakasan ko ng pag-asa.
Sabi niya, ang kaya niya kasing isubi kada buwan ay PhP2,000. Apat ang kaniyang anak, at kung mag-uumpisa siyang mag-ipon ngayon, kakayanin nilang maitaguyod mag-asawa ang pag-aaral ng kanilang mga anak.