Parati itong natatanong sa akin at napagtanto ko na ang dahilan kung bakit ito tinatanong ay samu’t sari. Unahin ko muna ang mga dahilan kung bakit hindi mo dapat ito ititigil.
Bukod sa retirement kasi, may iba pang benefits na natatanggap tayo mula sa SSS.
Sickness and maternity benefit
Ang requirement para makakuha ng sickness at maternity benefit ay dapat may three months contribution within the last 12 months bago magkasakit o kaya naman ay manganak o makunan.
Disability benefit
Para naman sa disability benefit, ang requirement ay dapat may one month contribution within the last six months bago mangyari ang disability.
Salary loan
Hindi rin ma-eenjoy ang salary loan benefit kung hindi nagbabayad regularly sa SSS. Ang requirement naman dito ay dapat may six months contribution within the last 12 months bago mag-file ng loan application.
Minimum number of contribution
Nagsimula ang kaisipang puwede nang itigil ang SSS contribution dahil ang minimum required na number of contributions para magkaroon ng retirment benefit ay 120. Kung titigil ka sa pagbabayad ng iyong kontribusyon, hindi mo ma-eenjoy ang sickness benefit, disability benefit at salary loan.
Lower retirement money
Higit sa lahat, mas mababa nang di hamak ang makukuhang retirement pension kasi ang minimum lang na number of contributions ang meron ka. Mas sulit ang makukuhang retirement pension kung walang mintis ang pagbabayad sa SSS contribution simula nang magtrabaho hanggang sa maabot ang retirement age.
May katotohonan na ang rate of increase ng iyong pension ay lumiliit habang dumarami ang contributions mo. Pero ang ibig sabihin pa rin nito ay lumalaki ang amount ng nakukuha mo kumpara sa nagbigay ng fewer contributions.
Maging makabayan
Alalahanin natin na ang SSS ay ang welfare program ng gobyerno para sa probadong sektor. As a welfare program, obligasyon nating mga mamamayan na suportahan ito dahil ito ay gawaing makabayan.
Nakasalalay nang malaki sa contribution natin ang tinatanggap ng mga pensioners ngayon bukod pa sa ibang sources of income ng SSS. Makakadagdag tayo sa problema ng SSS kung hindi natin ipagpapatuloy ang paghuhulog.
Aware din ako na maraming problemang kinakaharap ang SSS ngayon at dapat maging alerto tayo at mag-participate sa diskurso nito. Ang akin lang, sana ay maging bahagi tayo ng solusyon kaysa magpadagdag pa sa problemang kinakaharap nito.
Long term savings
Ituring na long term savings plan for retirement ang SSS. Ito ang tamang mindset para dito.
hindi na ko makaopen online sa sss, gusto ko sana ituloy ung hulog ko as voluntary since nsa public na ko, nawala na ung cellphone at email add pano ko maoopen ulit online ung sss ko para makita ko ung mga hinulog ko?
Sir Vince how about sa computation po ng pension and maternity, pwede nyo po ba kming mabigyan ng sample para po maging aware kmi.thank you po
Sige, isunod ko po yan.
Good pm sir. Ask k lang po kung pwede pang makakuha ng pension ang mother ng deceased member na single pero nkapagpension na po siya ng more than 5 years. Is the mother entitled sa pension? Thanks po
Dati po akong OFW….ang naging monthly contribution ko po ay 900+ at nag stopped po ako 5 years ago at 146 contributions. Kailangan ko po bang ituloy pa kahit one year na lang po ay 60 yrs. old na ako.
nagstop po akong nagbayad ng sss contributions ko after 120 contributions.. can i still avail maternity benifit now that im 1 month pregnant if i continue to pay ds last quarter of ds year?
Good day po. I am a member of SSS, paid the 120 months contribution and stopped. I am also a member of GSIS, a govt employee. Do I have to continue paying the monthly contributions to SSS?
Better continue SSS you have two pensions when you retire.
Sir may loan pa po akong naiwan nagpa compute na po ako Hindi ko na po kayang hulugan kasi nag stop na ako sa work anu po kaya pwede ko gawa
Magbayad pong muli kapag nakahanap na ng bagong mapagkakakitaan.
what will you get if you are already at retirement age and you only contributed 54 months?
You will get a lumpsum amount po. This will include your total contributions, employer contributions (if applicable) and the earnings of those contributions. Go to SSS office po.