“Ayan, guys… di ba, since BER month na, malapit na naman yung pasko kaya puro gastos ‘to di ba?”
“So, kaya let’s talk about financial planning. Mahalaga sa ating lahat ito para tayo maka-ipon.”
“At kasama natin ngayong umaga, nagbabalik ang suki po ng Swak na Swak… siya po ay wealth coach at siya ay social entrepreneurship professor mula sa Ateneo De Manila. Siya po ay si Vince Rapisura. Good morning Vince!”
“Magandang umaga rin sa inyong lahat dyan at magandang umaga sa lahat ng mga taga-panood ng Swak na Swak dito sa Pilipinas at sa buong mundo.”
“So, para po sa unang tanong po namin, anu-ano nga ba ang qualities ng isang taong magaling manghikayat?”
“Meron tayong limang klase ng tao na magaling magpapayag ng sapilitan. Ito ay ang mga bully, reklamador, guilt tripper, ambushero at mga bolero.”
“So, Vince, could you illustrate this one by one.”
“Para maintindihan natin itong limang klaseng taong ito ‘no, unahin natin yung bully. Itong mga bully, ito yung mga magaling magpapayag sa pamamagitan ng pananakot at pang-aapi.”
“Pangalawa, meron din naman tayong yung mga reklamador.”
“Ito yung mga taong mabilis pa sa alas-kuwatrong umatungal. Nagbibigay pa lamg tayo ng request sa kanila, hindi muna nila gagawin eh sangkatutak ang reklamo na maririnig natin sa kanila.”
“Pangatlo, ito naman yung ating mga guilt tripper. Ito yung mga kapag humihingi ng mga financial favor sa atin ay nagda-drama, umiiyak o nangongonsensya.”
“Ang pang-apat, ito naman yung mga ambushero ‘no. Ambushero ang tawag ko sa kanila dahil these are the people who would put you on the spot para ikaw ay mapahiya at mapilitang um-oo sa kanilang mga hinihingi sayo.”
“At ang pang-lima, ito ay ang mga bolero. Paano naman kaya ‘no nakakahuthot sa atin ang mga bolero?”
“Ginagamitan tayo ng mga sweet talk ‘no… sila yung tinatawag ko na mga smooth operators so ito yung mga taong nagbibigay ng mga magagandang salita sayo para makuha nila ng sapilitan yung gusto nilang makuha sayo… mga financial favors.”
“So, Vince, what are the effective ways para naman maiwasan natin ang pagpayag ng sapilitan and ano ang ma-aachieve natin dito financially?”
“So, isa-isahin natin ulit ‘no. Sa bully, ang kailangan natin gawin dito ay manindigan tayo sa ating desisyon.”
“Kailangan natin ipaliwanag sa kanila kung ano talaga ang financial implications at hindi tayo dapat matakot sa mga ginagawa nila sa atin at para ma-reinforce ito, kailangang natin maipagbigay alam ito sa ating pamilya, kaibigan at ka-trabaho dahil hindi po biro ang bullying lalung-lalo na kung ito ay may kasamang financial implications or financial favors dahil ang tawag na po dyan ay extortion.”
“Pag tayo ay nakakatanggi sa mga taong sapilitang humihingi sa atin ng mga financial favors, nagbibigay daan ito para tayo ay magkaroon ng aayos na paghawak sa ating pera at tayo ay nakaka-save.”
“Para naman sa mga guilt trippers, actually ito, marami ito lalung-lalo na sa ating mga OFWs kasi isang tawag lamng sa inyo ng mga kamag-anak ninyo, iniyakan kayo sa telepono, mas mabilis pa kayo sa mga insurance companies na magbigay ng claim, hindi po ba yan ang katotohanan?”
“Papahupain ko na bumaba muna ang emosyon at kapag maayos na ang emotions, saka natin pag-uusapan kung ano yung pwedeng maitulong sa kanila.”
“So, may mga tao rin kasi na kapag naisahan ka na nila, alam na nila kung ano yung kiliti mo kumbaga, paulit-ulit nila itong gagawin sa iyo dahil alam na nila ang iyong kahinaan.”
“In terms of savings, ang goal natin ay at least 15% na ating kinikita kada buwan ay naise-save natin ‘no and this is for our emergency purposes at ang isang bahagi naman 20% ng iyong kinikita kada buwan, yan naman ay dapat inilalaan mo para sa investments.”
“Kapag tayo ay may mga taong mabubuting nakapaligid sa atin, siguradong mas maganda ang kalalabasan ng ating mga financial decisions.”
“So, ayan guys! Maraming salamat Sir Vince Rapisura! Mabuhay ka!”
“Thank you so much po! Ingat po!”