was successfully added to your cart.

Cart

Swak na Swak E01

“Vince has been teaching sa Ateneo De Manila University for microfinance and social entrepreneurship for 13 years at syempre, eto kasama natin siya ngayong umaga!”

“Hello! Good morning Vince!”

“Magandang-magandang umaga rin sa inyong lahat dyan at syempre sa lahat ng mga tagapanood ng Swak na Swak dito sa Pilipinas at sa buong mundo.”

“Bakit kailangan tumanggi sa mga hinihingi sayo?”

“Kailangan nating tumanggi sa mga nakapaligid sa atin dahil we have to put our needs first so kailangan isaalang-alang natin ang ating mga pangangailangan muna at ito ang ating i-prioritize.”

“Pangalawa, kadalasan ang pagsasabi ng ‘YES’ ay impraktikal o mas magasatos.”

“Ano ang mga strategies para makatanggi at hindi maka-offend?”

“Ito yung mga kailangan mong gawin ‘no sa mga strategies: unang-una, umiwas na magpakita ng magarbong buhay kasi alam niyo naman, ang una talagang pinupukol ng mga tao ay yung mga punong mabunga kaya hangga’t maaari itago mo… magsa-buhay ka ng simpleng pamumuhay.”

“Pangalawa, you have to acknowledge that you cannot do everything. Huwag kang mangangako. Huwag mong ilalagay ang sarili mo sa sitwasyong ikaw ay mapapasubo.”

“Pangatlo, you cannot please everyone. Lagi mong tatandaan na meron at meron kang hindi mapagbibigyan at meron at merong magtatampo o magagalit sayo pero kung ipapaunawa mo sa kanila ng mabuti ang iyong kalagayan, ang iyong financial plan, maiintindihan nila ito at makakaiwas ka sa gastos.”

“So, Vince, sinu-sino ba ang mga responsibilidad mo o natin na hindi natin puwedeng tanggihan?”

“Yung mga responsibilidad mo na hindi mo puwedeng tanggihan ay ang iyong mga anak unang-una; pangalawa ay ang iyong mga magulang kapag hindi na nila kayang buhayin ang kanilang sarili at ang pangatlo, sa totoo lang, ay hindi mo nga rin ito responsibilidad ang asawa mo o ang partner mo kasi sila, ang asawa mo at ang partner mo ay ang katuwang mo sa buhay.”

“Ngayon, kung tayo ay lalabas na sa ating mga responsibilidad na ‘to o sa mga pagtulong na ‘to, hindi na ito responsibilidad  natin ‘no. Ito ngayon ay akto na ng pagtulong.”

“Sa ganitong pagtanggi, ano ang mga ma-aachieve mo financially?”

“So, kapag tayo ay nagpapractice na tumanggi o mag say ng ‘NO’, you have to remember that everytime you say ‘NO’, you are already saving ‘no… katulad ng for example, may magyayaya sayo pumunta ng Boracay pero may mas mahalaga kang gagawin ‘no kung itong budget na ‘to ay nakalaan para sa pagpapa-aral ng anak o kaya naman para sa pangarap mong pagpapatayo ng bahay. The moment that you say ‘NO’o tumanggi ka, mas mapapalapit ka ngayon sa iyong financial goal.”

“Kapag umiiwas tayo sa ating mga bisyo… sa alak, sa sigarilyo lalung-lalo na ngayon, nagmamahal na dahil sa sin tax ‘no… kapag umiiwas tayo dito, tayo ay nakaka-menos gastos at pwede natin itong gamitin para tayo ay maka-ipon.”

“Kung itong na-save mo sa pag-iwas sa pagbibisyo, maari mo na ngayon itong gamitin para magbukas ng accounts sa mutual funds, sa UITFs sa bangko, or pwede ka ring mag-ipon para sa emergencies sa hinaharap.”

“Maraming-maraming salamat Vince Rapisura!”

vincerapisura.com


One Comment

  • I remember a show for kids that says “Just say NO!” And it’s applicable in achieving financial goal. I’m saving for a house so I just say no to travel and gadgets. It’s amazing to see how things add up by commitment.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: