“Guys, nakaka-two minutes na tayo dito!”
“Sino ang pinakamaitim sa atin!?
“Huy! Ikaw naman! Ang lakas ng loob mong magtanong!”
“Tan line! Tan line! Tan line mo!”
“Ang pangit ng tan line ko!”
“Ito, maputi pa rin! O, ikaw!?”
“Hindi tan line yan! Tan block!”
“Ikaw, ikaw… kumusta?”
“Buti na lang medyo… pero maganda, hindi tayo inulan ngayon di ba?”
“Yes! Thank you Lord!”
“And speaking of rainy and sunny days, naku, mga kaibigan! Mga millennials, dapat whether rainy day or sunny day, meron kayong naitabing pera!”
“Yes, it’s a must! Kaya yung parents ko, tinuruan ako papano magsave.”
“Ako din! Diretso sa bank ang savings ko!”
“Ako naman guys, bata pa lang ako, tinuturuan talaga ako ng parents ko ng proper investment values”and business. Siguro talagang kasama na siya sa identity naming mga Tsinoy.”
“Oo, pare! Sobrang importanteng mag-ipon habang bata pa.”
“So, sa lahat ng walang mga savings at laging kapos ang income, now is the time to learn from the wealth expert.”
“That’s right Sig kaya naman mapa-OFW man po kayo or simpleng manggagawa, may good news kami sa inyo dahil para hindi na kayo maPERANOID sa perang pinaghirapan ninyo, PERAphy mula sa ating wealth coach na si Mr. Vince Rapisura ang hatid namin! Heto na, he talked about savings at pag-iimpok. Panoorin po natin ito.”
“Ang pagyaman, napag-aaralan yan.”
“Sabi yan ng wealth expert, university professor at social entrepreneur na si Vince Rapisura dahil ang key to acquire wealth is to be financial. Ang tanong mo ay, “Papaano?””
“Huwag gastusin ang perang pinagpaguran para magpa-impress sa iba. Ikaw rin, baka ka ma-PERAlize!”
“Sa Facebook, usung-uso yan ngayon laung-lalo na sa mga millennials ‘no… pipicturan yung pagkain, may nakitang magarang sasakyan, pipicturan mo agad ‘no… at madalas, kinaka-iingitan natin sila. Pero, sa akin, ganito na lang yung treatment natin: una, baka naman galing sa mayamang pamilya so sige pagbigyan na natin.”
“Pangalawa, isipin mo din ‘no baka… lalung-lao na kung yung nagpopost ng Facebook eh kagaya mo rin lang ng trabaho ganyan… isipin mo kaya kung saan niya kinukuha yung pera.”
“Baka ito ay inuutang ‘no.”
“Ang utang, kapag ginamit yan pambili ng wants, violation yan ng good personal finance practice so ang gagawin natin, mas maganda na i-practice mo yung sarili mo na instead na tumingin sa Facebook post at ma-inggit, take a look at your savings account ‘no habang dumadami yung naiipon mo yung savings savings account mo, smile smile ka na lang di ba.”
“Pero wag malungkot dahil meron tayong PERAphy at PERA-an na pwedeng solusyon sa lahat ng money PERA-blem.”
“Heto ang pwedeng gawin sa bawat income na papasok sayo: maglaan ng 5% sa insjurance, 15% sa savings, 20% sa investment at ang natitirang 60% ay ilaan sa mga gastusin.”
“Kaya, kung gusto mong makita ang pinaghirapan mo, dapat ready kang magsave physically, emotionally, and financially.”
“Yung mga OFWs, hindi sila nakakaipon kasi the moment na nakareceive sila ng mataas na sweldo ‘no… ang tinatawag ko dyan ay New Found Wealth Shock.”
“Parang kung sa bill sa phone, dumating na pagkalaki-laki, nasa-shock ka, eto naman, new found wealth shock sila ‘no… agad-agad itinataas ang lifesyle so dapat, yung pagtaas ng sweldo, mas mabilis or yung pagtaas ng kita mas mabilis kesa sa pagtaas ng lifetsyle.”
“Well, marami sa ating mga Pilipino ang hangad lang naman talaga natin ay maging masaya, maging… magkaroon ng masagana at mapayapang pamumuhay pero hindi natin ito nagagawa kasi kinakalimutan natin ang ating sarili.”
“Lagi tayong mapagbigay… masyadong mapagbigay ‘no…”
“Kailangan i-strengthen muna natin yung ating resolve na patibayin ang ating personal finance at ang ibig sabihin nyan, meron kang emergency savings, meron kang adequate insurance coverage at meron kang source ng passive income… so, multiple sources of income yan, hindi lang galing sa sweldo and when you are already financially stable, then that’s the time that you can help others also financially and when you’ve already reached a point na talagang there’s already abundance in you, you can be very charitable and you can give as much as you want.”
“Sa unti-unting pagsa-save, makikita mo ang ganda at laki ng kita kapag bumilang na ang taon.”
“At kung nais matutunan ang tamang pagsa-save marami ang katulad ni Vince Rapisura na nagbibigay ng financial literacy program para ang perang pinaghirapan mo ay makakarating sa PERA-iso ng pagyaman.”